Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paul Sy, saludo sa galing ni Coco Martin

NAGULAT ako dahil napanood ko last week si Paul Sy sa Ang Probinsyano. Si Paul ay dating kilala bilang Wally Waley dahil impersonator siya noon ni Wally Bayola. Nang maging bahagi siya ng sitcom na Home Sweetie Home ng ABS CBN na tinatampukan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga ay naging Pareng Lino na ang screen name niya, na later-on ay naging Paul Sy.

Anyway, bukod kay Lloydie, nalaman namin kay Paul na si Coco Martin ang isa sa aktor na sinasaluduhan niya. Nang napanood ko siya sa Ang Probinsyano ay nakipag-chat ako kay Paul at pawang magagandang salita ang narinig ko sa kanya para sa tinaguriang Teleserye King.

“Napaka-professional ni Coco at napakabait po and supportive sa lahat, pati na sa mga crew. Sa Cebu kami nag-taping, parang Bugoy-Bugoy po role ko roon, nagsasama para makuha ang one milyon na reward para sa ulo ni Cardo (Coco).”

May nagalit ba sa iyo dahil sinumbong mo si Cardo?

Nakatawang sagot ni Paul, “Hehehe, may mga ilan, pero pabiro lang naman.”

Sa pelikula naman, mapapanood din si Paul sa Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa na isang Cinemalaya entry. Pinagbibidahan ito ni Alfred Vargas at mula sa pamamahala ni Direk Perry Escaño.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …