Friday , November 15 2024

Air pollution equipment ng DENR palpak nga ba talaga?

KILALA si DENR Sec. Gina Lopez, bilang environmentalist. Ibig sabihin, mahal niya ang kalikasan at kalaban niya ang mga sumisira nito.

Kalaban ni Lopez ang mga sumisira sa kalikasan dahil sa masamang dulot ng pagsira sa Inang Kalikasan. Batid naman natin kapag kalikasan ang winasak maraming maaapektohan at ang magdurusa ay mamamayan. Maraming magkakasakit at mamamatay dahil sa polusyon at iba pa.

Malaki ang responsibilidad ng DENR kung ang pag-uusapan ay patungkol sa kalikasan – isa sa pangunahing trabaho ng ahensiya ay iligtas ang kalikasan para sa mamamayan.

Nandiyan iyong kinakailangan bantayan nila ang lahat – hindi lang ang kabundukan kundi lahat ng kapaligiran para malaman kung ligtas ang bawat indibiduwal.

Hindi lamang pagkalbo sa kabundukan, hindi lamang pagmimina at iba pang klaseng pagwasak sa kalikasan ang binabantayan kundi maging ang hangin na araw-araw nating nilalanghap. Iyon bang titiyakin ng DENR na hindi polluted  ang hangin.

Iniupo ni Pangulong Digong Duterte sa DENR si Lopez sa tiwalang matutugunan ni Lopez ang lahat na nais ng pangulo para sa mamamayan. Oo naman kaya ni Madame iyan.

Hindi naman binigo ni Lopez ang Pangulo. Suportado nga ng  Kalihim ang Pangulo hindi lamang sa maayos na pangangalaga sa kalikasan kundi maging sa kampanya laban sa korupsiyon.

Pero sa kabila ng lahat, si Lopez ay kinasuhan  naman sa Ombudsman. Ha! Bakit? Ayon sa ulat, ugat ng pagsasampa laban kay Lopez ang maanomalyang pagbili ng EMB-DENR Air Monitoring Section ng equipment na Differential Optic Absorption Spectroscopy (DOAS) noong 2010. Ang DOAS ay isang air quality monitoring.

Teka, ang pagbili ay nangyari noong  nakaraang administrasyon, PNoy administration. So, anong kinalaman ni Lopez, bakit nadawit ang kalihim samantala malinaw na wala siyang kinalaman sa pagbili?

Nitong 10 Enero 2017, kinasuhan sa Ombudsman si Lopez at 3 pang DENR official, ng grupong United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) at  Airboard Company.

Isinama sa kaso si Lopez dahil hindi umano umaksiyon sa ilang reklamo na idinulog sa kanyang tanggapan sa umano’y overpriced at depektibong pagbili ng DENR sa Air Quality Monitoring na lubhang mapanganib sa kalusugan ng mga tao.

Hayun,  malinaw na wala ngang  kinalaman  sa sinasabing maanomalyang pagbili si Lopez  – meaning clear ang ale. Oo naman  dahil noon nakaraang admin nangyari ang bilihan. Lamang, kaya siya kinasuhan sa alegasyong wala daw siyang ginagawang hakbangin hinggil dito. Wala nga ba kayong ginawang hakbang Madame Lopez? Meron naman siguro, di  po ba ma’am?

Sa mga ulat naman, itinanggi ni Lopez ang alegasyon.

Pero Sec. Lopez, mabigat ang akusasyon na walang kuwenta ang nabiling equipment.

Kung magkagayonman,  mayroon na ba kayong binuong independent body na mag-iimbestiga sa alegasyon para managot ang nasa likod nito? Kung mayroon, ano na po ang nangyari? Nagtatanong lang po para mailathala din natin. Totoo ba ang sinasabing hindi raw nakapagbibigay ng tamang report para sa air pollution  ang equipment?

Samantala, nagpahayag si UFCC president Rodolfo “RJ” Javellana sa pahayag sa publiko ni Lopez makaraan na siya ay sampahan ng kaso ng grupo sa Ombudsman.

“May I point out to the honorable DENR secretary that the evidence you are supposed to be looking for just come out from your own mouth. In your own words and admission you said that these DENR machines are overpriced, inaccurate and not regularly being calibrated. DENR’s job is to make sure that these machines are calibrated regularly so that it will work properly and deliver accurate data on air pollution. Is this not a valid reason for you as the new DENR secretary to order an immediate and independent investigation on our formal complaint to protect the interest of our people?” pagtatanong  ni Javellana.

Sabi ni Javellana, mayroon ulit nagaganap na bidding para sa nakatakdang pagbili ng kaparehong kasangkapan at muling gagamitin ang katulad na Terms of Reference (TOR) na ginamit noong bilhin ang kuwestiyonableng Air Monitoring Pollution Machines.

Kaya, naniniwala ako Madame Secretary na dapat ninyong bantayan upang hindi na maulit ang sinasabing maanomalyang pagbili noong nakaraang administrasyon. (Kung totoo ang akusasyon na maanomalya ang pagbili).  Bukod dito, sa pagbabantay po ninyo ay hindi magiging palpak ang mabibiling equipment.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *