Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Miss Italy, nahimatay habang isinasagawa ang Governor’s Ball

011817 miss italy
Photos courtesy of Solar, LCS, MUO at Mario Dumaual ng ABS-CBN news

NAGULAT ang mga dumalo sa katatapos na Miss Universe Governor’s Ball na isinagawa sa SMX Convention Center noong Lunes ng gabi nang biglang mahimatay si Miss Universe Italy Sophia Sergio.

Ayon sa mga nakadalo sa Governor’s Ball, sa Parade of Nations  nangyari ang pagkahilo ng 24 taong gulang na beauty queen. Agad itong inalalayan palayo sa kasiyahan. Binigyan ng tubig at pagkaraan ng ilang minuto ay mabilis ding nawala ang pagkahilo.

“Hi, I’m okey now,” sagot ni Sergio nang kumustahin ito.

Samantala, maraming personalidad ang dumalo sa Governor’s Ball. Ilan sa mga kilalang personalidad na nakitang naroon ay sina Pangulong Joseph Estrada, dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson, Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, Tourism Undersecretary Kat de Castro, at Senator Manny Pacquiao.

Dumalo rin ang mga dating Pinay beauty queen na sina Miss Universe 1969 Gloria Diaz,  Miss Universe 1973 Margie Moran,  Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, at Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa. Naroon din sina Miss Universe  president Paula Shugart at ang socialite-actress na si  Gretchen Barretto.

Ang pinaka-highlight ng gabi ay ang pagrampa ni Pia Wurtzbach.

Gaganapin ang koronasyon ng 65th Miss Universe sa Enero 30, lunes, na mapapanood sa ABS-CBN 2, 8:00 a.m.  ( M.V.N. )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …