Sunday , December 22 2024

Solusyon ba sa 5-6 ang pagpapalayas sa mga Bombay?

KUNG ang mga mangungutang na mga tindera sa palengke, nagmamay-ari ng sari-sari store, vendor,  jeepney at tricycle driver at iba pang umaasa sa pautang na 5-6 ang tatanungin, ami-nado silang mabigat ang interes na kanilang bi-nabayaran sa hiniram na pera sa mga Indian national na mas kilalabilang Bombay na nagpapa-5-6.

Mabigat man daw ang biente porsiyentong interes, no choice na sila kundi patulan ang masasabing malaking interes dahil kahit na paano ay malaking tulong pa rin sa kanila ang mga Bombay.

Sa 5-6, kung ang hiniram mong P5,000 ay may interes na 20%. Bale magiging P6,000 ito.

Hindi naman sa ipinagtatanggol ng mga umaasa sa 5-6 ang mga Bombay kundi, nagiging tagapagsalba raw nila ang mga nasabing dayuhan sa biglaang pangangailang pinansiyal. Katunayan, hindi lang kasi para sa puhunan sa mun-ting negosyo ginagamit ang hiniram na pera, ginagamit din ito ng nakararami para sa matrikula ng kanilang mga anak o ibang pangangailangan.

Sa Bombay ‘ika ng mga suki nila, hindi sila mahirap na lapitan, agad-agad na ibinibigay ang kailangang halaga – manghiram ka raw ngayon, bukas ay makukuha mo na. Ganoon daw kabilis tumulong ang mga pinag-iinitang mga dayuhan.

Bukod dito, wala nang hinihinging kung ano-ano pang collateral ang mga Bombay. Hindi tulad ng mga banko o ano mang ahensiya ng pa-mahalaan na nagpapautang pero kung ano-ano pa ang hinahanap na requirements at sa bandang huli ay wala rin mahiram pala.

Oo nga’t legal interest ang ipinapataw ng mga banko at mga tulad nito pero hindi maaasahan sa biglaang pangangailangan bukod sa hindi puwedeng pakiusapan lalo na kapag maantala sa pagbabayad.

Sa Bombay daw ay puwedeng mag-passed na walang dagdag interes o surcharge basta’t ang mahalaga ay batid nilang may interes kang magbayad ng utang.

Kamakailan, nagsalita si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte laban sa mga Bombay na nagpapa 5-6. Napakabigat ng babala ng Pangulo sa mga dayuhan.

Tigil-negosyo o sa pagpapautang ang mangyayari sa mga Bombay dahil ang utos ng Pangulo ay arestohin at itapon na sila palabas ng bansa o deportation. Ang saya siguro ng ilan sa mga hindi pa nakababayad nang buo kung sakaling agad-agad itong ipatupad.

He he he…

Pinalalayas ang mga Bombay o Indian national dahil pahirap daw sila sa mahihirap na kumakapit sa kanila – napakataas ng tubo ng kanilang pautang. Imbes makatulong sa mga kababayan nating mahihirap, lalong inilulubog daw sila sa kahirapan ng mga Bombay taliwas sa  nais  na mangyari ng Pangulo ngayon na iangat sa kahirapan ang mahihirap nating mga kababayan.

Maganda ang pakay ng Pangulo sa pagtulong sa mga umaasa sa 5-6 pero hindi ba dapat na mayroong aksiyon ang pamahalaan hinggil dito o alternatibo na magiging takbuhan ng mga nasanay mangutang sa mga Bombay?

Oo nga’t maraming ahensiya ng pamahalaan ang nandiyan para magpautang sa mahihirap pero, kaya ba nila ang estilo ng mga Bombay na agad-agad nagpapahiram na wala man lang hi-nihinging collateral? Malabo yata ‘yan.

Marahil ang maganda rito ay harapin ng pa-mahalaan ang grupo ng Bombay – pakuhain ng business permit para sa negosyo nilang pagpapautang upang sa gayon ay maging legal ang lahat – interes at higit sa lahat magbayad ng buwis ang mga dayuhan.

Kung hindi man, dapat magtayo ang pamahalaan ng isang institusyon na haharap sa suliraning ito ng mahihirap. Institusyon na madaling lapitan o mahiraman ng pera tulad ng ginagawa ng mga Bombay. Institusyon na pondohan ng pamahalaan para sa mga kapit-patalim.

Iyon nga lang, ang hirap sa maraming Pinoy kapag pamahalaan ang kumilos, ang gusto ng nakararami ay libre o tulong na wala nang bayaran. Ang gugulang kasi ng iba.

Ngayon, isa bang solusyon sa problema sa 5-6 ang arestohin at palayasin ang mga Bombay sa bansa?

Marahil tanggapin na lamang sana ng gob-yerno ang nais ng Indian nationals na bigyan sila ng pagkakataong gawing legal ang kanilang ne-gosyo. Nagpahayag na ang kanilang grupo na pabor silang maging legal ang kanilang negosyo para makapagbayad ng buwis.

Iyon naman pala e.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *