Ang kanang kamay ay nagre-represent ng masculine and active attributes. Ito ay maaari rin namang may kinalaman sa desisyon na may kaugnayan sa pagiging right o tama. Kung sa panaginip naman ay nakitang natanggal o naputol ang kanang kamay, nagpapakita ito na hindi mo naipaparating ang iyong point of view, na ikaw ay hindi naiintindihan ng ibang mga tao. Maaaring ito ay sumisimbolo rin ng pagiging malungkot.
Kapag naman nagagalit ka o may taong nagagalit sa iyong panaginip, ito ay posibleng sagisag ng frustrations at disappointments sa iyong sarili mismo. Kailangang mangibabaw sa iyo ang positibong emosyon at alisin ang mga negatibong damdamin para magkaroon ng peace of mind. Dapat din na kilalanin at ilabas ang mga nakatagong galit, upang lumuwag ang damdamin mo at ikaw ay makapag-move-on na.
Ang pulis sa iyong bungang-tulog ay may kaugnayan naman sa structure, rules, power, authority and control. Ang ganitong panaginip ay nagre-represent din o nagsasabi ng hinggil sa iyong sariling sense of morality and conscience. Maaaring magsilbi itong patnubay sa iyo upang sundin ang daang matuwid o gawin ang mga bagay na karapat-dapat, sang-ayon sa iyong prinsipyong sinusunod at pinaniniwalaan base sa dikta ng iyong konsiyensiya. Maaaring may kaugnayan din sa iyong moral standards ang tema ng panaginip na ganito.
Ang bag naman sa iyong panaginip ay nagre-represent ng responsibilidad na dala-dala sa iyong buhay. Kung sira ang bag, may kinalaman ito sa mga pasanin sa buhay. Ang simbolong ito ay maaaring metaphor din para sa old bag na nagsasaad sa isang tao na matanda na. Kung ang bag sa panaginip mo ay pulos basura ang laman, ito ay sumisimbolo sa mga alalahanin at problema sa buhay na kailangang makahanap ng paraan upang maialis o maitapon ang mga basurang ito na nagiging pabigat sa buhay.
Ang bungang-tulog ukol sa motorsiklo ay sumisimbolo sa hinahangad na kalayaan at ang paghahanap ng adventure sa buhay. Maaaring hinggil din ito sa pagnanasang makatakas sa ilang sitwasyon o responsibilidad sa buhay. Posible rin na nagsasabi ito ng ukol sa paglayo. Alternatively, para sa mga kabataan, ito ay simbolo rin ng raw sexuality, maaaring nagpapahayag ito na masyadong nagmamadaling maging matured at maranasan ang mga bagay na hindi pa napapanahon.
Señor H.