Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelica, nag-ala Karla sa MMK

THE Queen Mother! KUNG may taong masasabing ‘sangkaterba ang hugot sa buhay, malamang manguna roon ang tinaguriang Queen Mother ng showbiz na si Karla Estrada.

Nasaksihan naman ng showbiz ang ginawa nitong pagpupursige bilang isang singer at aktres pero lagi siyang tinatalo ng mga bagay na may kinalaman sa pag-ibig.

Pero ngayon na lang niya nakikita na ang lahat ng nangyari o naganap sa buhay niya ay may magaganda palang dahilan.

Si Angelica Panganiban ang mag-uulit ng mga dinaanan sa buhay ng Queen Mother sa episode ng MMK (Maalaala Mo Kaya) ngayong Sabado (Enero 14,) sa Kapamilya.

Maliit pa lang si Karla eh, naranasan na ang pagkakaroon ng marangyang buhay, pero nang pumanaw ang kanyang Lolo na siyang tumutustos sa lahat ng pangangailangan ng pamilyaniya, napilitan na silang lumipat sa lungsod ng Tacloban.

Ang nasabing pangyayari ang nagtulak kay Karla para maging determinado sa mga gagawin sa buhay. Kahit ayaw na ayaw ng nanay dahil sa mga tatanggapin niyang kritisismo, namagsasasali siya sa singing contests eh, pinangatawanan niya.

Sa pagpupursige, bigla rin ang pagsikat niya at nakabilang pa sa  That’s Entertainment. Kaso, humalo ang usaping puso kaya sa maagang edad ay nabuntis.

Doon na kinailangan ni Karla na simulang ayusin ang buhay niya. At nakita naman ng madla kung paano niya itong hinawakan to get to where she is now.

Joining Angelica in the episode are Alexa Ilacad, Sharmaine Suarez, Carlos Morales, JhaiHo, Cheska Billiones, at Roy Requejo. Ang episode ay sa ilalim ng direksiyon ni Efren Vibar at panulat nina Arah Badayos at Mae Rose Balanay. Ang MMK ay pinamumunuan ng Star Creatives COO na si Malou N. Santos.

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …