Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Unmarried Wife, mapapanood nasa Super KBO ngayong weekend

MASASAKSIHAN na ngayong weekend ang hit Star Cinema drama film na The Unmarried Wife sa TV at online sa pamamagitan ng Super Kapamilya Box Office(KBO) para mapanood ng mga Pinoy ang pinakabagong mga pelikula sa bahay o kahit saan man.

Makakapili ang mga Filipino na panoorin ang pelikula nina Angelica Panganiban, Dingdong Dantes, at Paulo Avelino sa iba’t ibang paraan gamit ang ABS-CBN TVplus (digital TV), SKY (cable TV, direct-to-home, at video-on-demand), atABS-CBNmobile (online).

Matatandaang Nobyembre noong nakaraang taon ipinalabas sa mga sinehan angThe Unmarried Wife na naging isa sa mga box-office hits ng 2016 dahil sa kuwento ng pag-ibig ni Anne (Angelica) para sa kanyang asawa (Dingdong) at nobyo (Paulo). Maliban sa magandang takbo ng kuwento, tumatak din ang mga hugot line ng pelikula sa maraming manonood kaya kumita ito ng kabuuang P200-M sa local at foreign cinemas.

Bukod sa The Unmarried Wife, mapapanood din ang comeback film ni Judy AnnSantos na Kusina; ang star-studded family-friendly movie na  Four Sisters and a Wedding; ang psychological horror film na Cinco; at mga pelikula mula Hollywood na 11-11-11 at Mother’s Day. May marathon din ng PBB at MYX na kukompleto sa weekend bonding ng pamilya.

Para mapanood ang Super KBO ngayong weekend sa ABS-CBN TVplus, i-text ang SUPERKBO99 TUW <TVPLUS BOX ID> to 2131 gamit ang ABS-CBNmobile SIM. Para mapanood ito via online streaming sa abscbnmobile.com/kbo, i-text lang ang SUPERKBO99 TUW to 2131 gamit pa rin ang ABS-CBNmobile.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …