Saturday , November 23 2024

Walang katapusang “consumption tax”

KUNG sa China nagbawas nang mula 15% to 30% ng consumption tax sa mga produktong madalas bilhin ng consumer dito sa Philippines my Phillippines ‘e may kakaibang takbo ang utak ng ating mga mambabatas.

Gaya sa cosmetics, dahil bumabagsak ang sales ng China sa local cosmetic products, minabuti ng finance ministry na bawasan ng 30% ang non-luxury cosmetic products habang 15% naman sa mga expensive cosmetic products.

Nagsimula ito noong Oktubre bilang proteksiyon sa ekonomiya ng kanilang bansa.

Ganyan po sa China!

Pero dito sa ating bansa, kakaiba mag-isip ang ilang mambubutas ‘este mambabatas…

Ang mga mambabatas na Filipino hindi mapakali kung paano parurusahan ang mga mamamayan sa walang kasawa-sawang pagmumungkahi na itaas ang kung ano-anong buwis.

Noong tumatakbo sila, panay ang bola at pangako na pagagaanin ang buhay ng mga botanteng Filipino.

Pero noong nakaupo na, puro panukala na itaas ang kung ano-anong klaseng buwis.

Tax on cosmetic products, motel sin tax, sugar tax sa soft drinks and artificial juices, diesel tax at iba pang consumption taxes na ang higit na magpapasan ay ‘yung maliliit na mamamayan.

Sonabagan!!!

‘Yan na lang cosmetics, may mga babaeng ‘yan na lang halos ang libangan nila, ‘yan din ang nagbo-boost ng morale nila, ginagamit din ‘yan sa pagtatrabaho para maging presentable lalo na kung ang trabaho ay nasa field ng sales and marketing.

Kumbaga kasama ‘yan sa face value nila, ‘e paano kung tataasan pa ang tax niyan ‘e ‘di papel-de-hapon at atsuwete na lang ang ipangkokolerete ng ladies and girls sa mukha nila.

Ano ba ‘yun?

‘E ‘yung fuel excise tax pa na siguradong apektado lahat ng bilihin at serbisyo kapag itinaas ‘yan.

Wala na bang maisip ang mga mambubutas ‘este mambabatas kung hindi itaas nang itaas ang buwis?!

Ganyan ba ang sinasabing pagagaanin ang buhay ng mga sektor na nasa laylayan (sabi ni VP Leni)?

Tinatapak-tapakang laylayan?

Kailan ba maitataas ‘yang laylayan na ‘yan?!

Bakit ba hindi ‘yung malalaking casino, mall at ‘yung sinasabi ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na Oligarka ang patawan nang malaking buwis?!

Tsk tsk tsk…

Lagi bang ‘nakabakasyon’ ang utak ng mga mambabats natin at hindi sila makapag-isip ng kaukulang batas na makapagpapagaan talaga sa buhay ng maliliit nating kababayan?!

Baka sa susunod e pati hangin na nilalanghap natin ay may tax na rin!?

Aba ‘e pagbakasyonin na nang tuluyan ‘yang magagaling na ‘yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *