COCO combats!
Gabi-gabi na yatang babaha o dadaloy ng luha sa mga bagong pangyayari sa buhay ni Cardo Dalisay sa FPJs Ang Probinsyano lalo at nawala na si Pepe Herrera na kaibigan niya sa istorya.
Sa idinaos na pa-lunch ni Coco sa friends niya sa media, natanong ko ang aktor kung gaano na ba ka-advance ang isip niya bilang head ng creative ng kanilang palabas. At ang bilis din niyang makapag-isip.
“Noon kasi may, talagang nabuo na sa isip ko kung ano ‘yung journey na tatahakin ni Cardo, base sa pelikula ni FPJ. ‘Yung maipakita mo ang moral sa bawat linggo na may maibahagi kang values lalo na sa kabataan na makakapanood nito.”
Kaya nga naisip niya na sa halip na mag-inject muli ng mga eksenang sa ibang bansa kukunan gaya nang nag-HongKong sila, gusto muna ni Coco na sa mga lugar ng Pilipinas sila umikot. And Cebu will be their first stop. Doon sila ipapadpad ni Onyok (Simon Pineda).
“Nagpapasalamat kami sa patuloy na pagtangkilik sa amin ng mga manonood kaya rin ako ginaganahan na mas maging sabik pa sila sa nga susunod na eksena. Kung may maganda akong na-achieve, more than the awards na ipinagpapasalamat din namin, ‘yun eh mas marami pala kaming natutulungang artista na nabibigyan namin ng second chance na makalabas muli pelikula at makabalik. Na noon talagang ginagawa ni FPJ sa mga kasama niya sa industriya.”
At siya ring dahilan kung bakit industry people like tata Rez Cortez wants him to lead the Actors Guild.
“Hindi ako ready diyan. Kung nakatutulong man tayo ngayon sa mga kasamaham natin, dahil na rin ‘yun sa kailangan ng palabas at bumabagay naman sa karakter na ibinibigay sa kanila. Mahaba pa ang listahan kaya gusto natin na matulungan sana ang lahat.”
Tinututukan pa rin ang puso niyang wala pang itinitibok ayon sa kanya.
“Noon pa man iba na ang goal ko. At hanggang ngayon ‘yun pa rin ang panuntunan ko sa buhay. Hiniling ko ito sa Panginoon. Ang mabigyan lang ako ng trabaho. Ibinigay sa akin. Kaya ganoon na lang ang pag-iingat ko na mawala sa akin lahat ito!”
HARDTALK – Pilar Mateo