Saturday , November 23 2024

Edgar Allan, uunahin muna ang pamilya at career; Lovelife, ayaw pag-usapan

IGINIIT ni Edgar Allan Guzman na uunahin na niya ngayon ang kapakanan ang kanyang career at pamilya. Bunsod ito ng mga negatibong naglalabasan na hindi umuusad ang career ng actor at kapag in-love ay nagiging pasaway.

Ito ang sinabi sa amin ni EA (tawag kay Edgar Allan) sa one on one interview sa kanya matapos ang Q and A ng pelikulang Tatlong Bibe ng  na pinamahalaan niJoven Tan. Pinagbibidahan ito nina Marco Masa ng Nathaniel, Raikko Mateo ngHonesto, at The Voice Kids 1st Grand Winner na si Lyca Garainod. Kasama rin dito sina Eddie Garcia, Rita Avial, Sharlene San Pedro, Victor Neri, Luis Alandy, Ronnie Lazaro, Dionisia Pacquiao, Anita Linda, JK Labajo, at special participation si Angel Aquino. Mapapanood ito sa March 1.

Ani Edgar, this year na ilulunsad ang kanyang album na dapat ay last year pa after his stint sa Your Face Sounds Familiar.

“Ang daming mga naglabas na mga kasabayan ko ng album. Ayaw naman naming makipagsabayan kasi gusto namin mapansin ng tao.

“Gusto rin namin na gandahan pa lalo. ‘Yung mga song na pinili namin nag-recall kami ng mga kanta at pinili naming mabut. , Kasi kailangan may masa, upbeat din, ‘yung ganoon ang concept ng album. Tapos may revival ako na talagang nag-hit before.

“Kailangan din makita ng tao na sa album ko naroon na lahat,” panimula ni EA.

Ani EA, nag-pictorial na sila para sa launching ng album. ”Dapat ilalabas na namin ng July kasabay ng birthday ko, pero nag-decide kami na a siguro next year na lang, kaya this year na po ilalabas. After ‘Doble Kara’ (his teleserye in ABS-CBN)  para may pag-usapan pa rin sa akin.”

Nalulungkot naman siya na malapit nang matapos ang Doble Kara. ”Ang tagal din kasi naming nagkasama, 1 year and 5 mos. Sobrang blessed namin kasi mahigit sa isang taon kami may trabaho. Hindi kami nawawalan, nauubusan.”

Hindi pa tiyak ni EA kung kailan matatapos ang Doble Kara, ang alam lang niya’y malapit na itong magwakas dahil na rin sa takbo ng istorya. ”Pero marami pang dapat abangan sa serye,” aniya na after DK ay hindi pa niya alam kung ano ang kasunod niyang gagawin sa ABS-CBN.

Bukod sa serye, at pelikula, may Valentine concert siyang gagawin at February 25 naman ay makakasama niya sina Michael Pangilinan, Vin Abrenica, at isa pa para sa PARE concert.

Ani EA, hindi maikakailangang nalilinya siya sa singing. ”Opo kumakanta naman talaga ako, pero hindi ko naman po kini-claim na singer ako, o kailangan tawagin n’yo akong singer. Kumbaga, nakahiligan ko ring kumanta. Mahal ko rin ang pagkanta, sa araw-araw, kumakanta rin naman ako.

Pero kung papipiliin si EA kung acting o singing. Acting pa rin ang pipiliin niya.”Kasi po ‘yun talaga ang gusto ko, mahal ko ang arte. Gusto ko pang gumawa ng magagandang pelikula, ‘yung mga indie film. Gusto ko bumalik sa indie kasi roon naman talaga ako unang nabigyan ng parangal. Doon  unang na-appreciate ‘yung talent ko sa pag-arte,” giit ni EA na aminadong nami-mis na ang paggawa ng indie films.

Naipakikita rin ni EA ang pag-arte sa teatro pero pagkatapos ng Bona ay hindi na iyon nasundan. ”Oo nga po hindi na nasundan. Before dapat babalik ako sa PETA pero hindi na kinaya ng schedule because of ‘Doble Kara’. So kinailangan naming mag-sacrifice, so nag-give up kami sa chance na makagawa uli sa teatro. Pero gusto ko ring mag- theater, iba rin kasi roon. Kumbaga, roon ako nadidisiplina pagdating sa pag-arte. Kahit sinasabing walang pera roon okey lang at least ‘yung craft ko nagagawa ko. ‘Yun naman talaga ang gusto ko.”

TIKOM ANG BIBIG
SA NAPAPABALITANG GF
NA SI SHAIRA MAE

011017-shaira-mae-edgar-allan

Sa kabilang banda, umiwas namang pag-usapan ni EA ang nababalitang relasyon niya kay Shaira Mae dela Cruz. Naibalita kasi rito ng isa naming kolumnista na nakita niyang magkasamang nanood ng sine sina EA at Shaira.

“Hindi naman po siya kasama rito eh, ha ha ha. Okey na po ‘yun.”

At nang usisain namin ang kanyang lovelife, sinabi nitong, ”Ayaw ko na pong magsalita. Okey na po ‘yun. Basta this year, I’ll make it up for all of you. Ayoko po lang talaga.”

Bakit parang ayaw magsalita ni EA kapag pinag-uusapan ang lovelife? ”Ayoko lang po, kasi minsan may mga naririnig din po ako na nakakasakit sa akin siyempre ayoko ng ganoon. Kumbaga, personal kong buhay ayoko ‘yung tao na magdya-judge sa akin ng ganoon.”

Itinanggi naman ni EA na napapabayaan ni ang kanyang career kapag in-love.”Kung napapabayaan, basta ayoko na lang pong magsalita. Hindi ko po napapabayaan, hindi ko po magagawa ang mga pelikulang ganyan. Hindi po ako makakapunta sa mga taping, hindi ako makakapag-raket, hindi ko mapapakain ang pamilya ko kung pinababayaan ko.

“Basta po, ‘yung sinasabi ninyong nangyari sa akin noong araw (pagkakaroon ng karelasyon), hindi na ‘yun (mangyayari). Lagi kong sinasabi ‘yung last kong relasyon, last na ‘yung ganoon. Hindi na. nakakapagod na.”

Basta happy si Edgar Allan sa takbo ng buhay at career niya gayundin sa personal life niya. ”At sa lahat ng ibinibigay na blessings sa akin ni Lord, sa mga taong tinutulungan ako, nakaiintindi sa akin, happy ako.”

At ipinangako ni Edgar na if ever na main-love muli, ay hindi na niya pababayaan ang career niya. ”Hindi ko naman po talaga pinababayaan. Even before, pero this time hindi na talaga. Iyan po ang ipinangako ko sa sarili ko at sa tatay ko, si Sir Noel (Ferrer, manager), at sa mommy ko na hindi ko na gagawin ‘yung before na nangyari, hindi na mauulit iyon.

“Gusto ko lang po talagang matupad ang pangako kong iyon. Sinasabi ko po sa inyo ‘yun gusto ko makita n’yo na mahal ko talaga ang pamilya ko.

“And after ng pamilya ko siyempre ‘yung sa aking naman. Pero sa nanay ko po muna.Gusto kong tuparin ‘yung ipinangako sa amin ni Daddy na hindi niya nagawa kasi nga po nawala na siya. Nakabili na po ako ng sasakyan (Everest) at nakabili na rin ng lupa na hopefully by March ay mapatayuan na ng bahay at isusunod ko naman po ‘yung negosyo.”

At muling iginiit ni EA na, ”I’ll make it up for all of you para sa kung ano ang kailangan kong gawin sa career ko o sa buhay ko.”

DIREK DAN VILLEGAS,
NANIBAGO SA PAGGAWA
NG HORROR MOVIE
NA ILAWOD

011017-dan-villegas
Atty. Joji Alonzo, Direk Dan Villegas at Yvette Uy Tan

TIYAK na maninibago ang mga manonood sa bagong handog ni Direk Dan Villegas ngayong 2017 mula sa Quantum Films, MJM Productions, Tuko Filmsand Butchi Boy Productions ang Ilawod na mapapanood sa January 18.

Isang horror film ang Ilawod na ang ibig sabihin ay downstream o sa ibaba ng agos. Bale first time gagawa ng ganitong genre si Direk Dan na mas kilala sa paggawa ng rom-com movie.

Ayon kay Direk Dan, nanibago siya ng bonggang-bongga sa pagdidirehe ng horror film na pinagbibidahan nina Ian Veneracion, Iza Calzado, Epi Quizon, Therese Malvar, Xyriel Manabat, at Harvey Bautista.

“Hindi po ako sanay, eh. Siyempre po, mahirap din naman ‘yung paulit-ulit ang ginagawa mong genre. Siyempre, masarap din naman na makagawa ng bago, mag experiment, you get to do new things.

“So, mahirap po. Kasi ibang-iba siya,” paliwanag ng box-office director.

Ang Ilawod ay mula sa panulat ng Palanca winner na si Yvette Tan. Si Tan ay matagal nang kaibigan ni Direk Dan na mahilig magsulat ng mga katatakutan. Marami ng libro na puro horror ang nailimbag na niya. Ang common denominator ng istorya niya sa Sidhi, The Child Abandoned (Pasig River), The Bridge (San Juanico), at Stars (Balicasag Island Bohol) ay tubig.

Nagkasundo sina Villegas at Tan na gamitina ng tubig bilang elemento ng istorya. Sa tulong ng director/GF ni Direk Dan na si Direk Antoinette Jadaone, imingukit nitong ang salitang Tagalog na Ilawod na sa Ingles ay downstream ang gamitin dahil ang opposite nito ay ilaya na upstream sa Ingles. Force of life rin ang tubig dahil ‘pag nakalangoy ka paitaas ay mabubuhay ka subalit kapag hinila ka pababa ay kamatayan mo na.

Ayon kay Tan, kuwento ng possession ang nabuo sa Ilawod pero walang actual demons at walang curses. Ngunit isang kuwento na kahindik-hindik ang sasanib sa isang pamilya, ang pamilya nina Ian at Iza.

Samantala, nakapagpahinga pala ng todo si Direk Dan nitong nagdaang holidays dahil wala siyang entry sa katatapos na Metro Manila Film Festival. Dalawang taong magkasunod kasing may entry ang magaling na director, ang English Only Please noong 2014 at Walang Forever noong 2015. Kaya natanong ito kung hindi ba niya na-mis ang MMFF.

”Sa totoo lang po, medyo okay ako,” anito. ”Medyo okay, kasi wala pong stress ng Pasko. Hindi kasi, ‘di ba, Paskong-Pasko, naghihintay ka ng ano (update), kung magkano na ba ang kinita ng pelikula namin, Diyos ko!

”Eh nitong ano (last Christmas), ‘ay bahala kayong lahat, basta ako, matutulog ako’,” natatawang pagsi-share nito bagamat nag-edit pa rin namand aw siya last Christmas at naghanda para sa seryeng Ikaw Lang ang Iiibigin nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Pero natuwa siya na hindi siya stress last Christmas.

MOCHA USON,
UMAPELA
SA PUBLIKO

010617-mocha-uson-mtrcb

ISANG mensahe ang natanggap namin ukol sa pag-apela ni Mocha Uson sa publiko sa pagkaka-upo niya bilang isa sa board member ng Movie & Televesion Review & Classification Board (MTRCB).

Ani Mocha, katulad siya ng iba na nais makapagbigay ng serbisyo sa publiko. Na ang kikitain niya ay buong pusong ilalaan sa mga nangangailangan tulad ng saDSWD. Kaya hinihiling niyang bigyan siya ng pagkakataon na makatulong at mapatunayan na ang nais niya’y ang kapakanan ng bawat isa.

Narito ang kabuuan ng mensahe ni Mocha.

“Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa ating mahal na Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa pagtitiwala niya sa aking kakayahan na mailuklok sa isang napaka-sensitibong posisyon ng  kasalukuyang administrasyon bilang isa sa mga deputy board members ng  Movie & Televesion Review & Classification Board (MTRCB).

“Isa ako sa mga nakararami at pangkaraniwang mamamayan na nagnanais makapag-ambag sa matagal na nating pinapangarap na  pagbabago sa pamamalakad ng serbisyong pampubliko ng ano mang sangay ng kasalukuyang pamahalaan.

“Ang ano mang kikitain ng inyong lingkod na manggagaling sa pera at kaban ng bayan ay akin pong ilaan ng 100 percent sa mga pangunahing pangangailangan ng mga kabataang nasa pangangalaga ng Dep’t. of Social Welfare & Dev’t. (DSWD).

“Hinihiling ko po ang lubos na pang-unawa ng ating mga kababayan at kasamahan sa industriya na mabigyan ako ng sapat na panahon at pagkakataon upang maisakatuparan ang may kabigatang mandatong nakaatang sa inyong lingkod ng buong sigla at katapatan sa mata ng Diyos at tao. Sama-sama tayong lahat tungo sa pagbabago. Maraming salamat po!”

Mocha Uson, ang inyong lingkod.

SHOWBIZ KONEKMaricris Valdez Nicasio

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *