Thursday , September 4 2025

Total ban sa paputok kailangan

KUNG hindi magpapatupad ang pamahalaan ng “total ban” sa paggamit ng paputok sa bansa, patuloy na mauulit ang mga kalunos-lunos na eksena ng mga duguang pasyente na humihiyaw habang ginagamot sa mga ospital sa tuwing sasalubu-ngin natin ang pagpasok ng Bagong Taon.

Dose-dosenang biktima ng paputok ang isinugod muli sa mga pagamutan sa buong bansa. Karamihan sa kanila ay mga kabataang biktima ng Piccolo na madaling mabili sa iba’t ibang lugar. Ang iba naman ay nahihirapang huminga bunga ng usok mula sa mga paputok.

Ilang minuto bago pumasok ang 2017 ay 24 na ang bilang ng mga dinala sa Jose Reyes Memorial Medical Center dahil sa pinsala mula sa paputok. Umabot sa 19 biktima ang isinugod sa Amang Rodriguez Medical Center.

Ito ay bukod pa sa 141 napinsala ng paputok na naitala ng Department of Health (DOH) mula Disyembre 21.

Bagaman malaking kabawasan ang bilang na ito sa mga biktima sa mga nakalipas na taon, dapat ipagbawal nang tuluyan ang mga paputok na puwede rin maging sanhi ng sunog.

Ang fireworks display sa open parks ay maaaring payagan pero ang paggamit ng firecrackers ay walang lugar sa isang lipunan na naghahangad ng kaligtasan at kapayapaan sa pagpasok ng Bagong Taon.

***

Dapat din matigil ang walang saysay na pagpapaputok ng baril ng makakati ang kamay sa gatilyo sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Naulat na isang residente ng Barangay Ma-yamot, Antipolo, Rizal at isang naninirahan sa Upper Bicutan, Taguig City ang kapwa tinamaan ng ligaw na bala.

Isang 15-anyos na dalagita ang nabaril sa ulo at isinugod sa Jose Reyes.

May nabiktima rin ng pamamaril ng “riding-in-tandem” na isinugod sa Jose Reyes at isang pinaputukan ng kanyang mismong kapitbahay sa Batasan Hills, Quezon City na dinala sa East Avenue Medical Center.

Mahigpit ang utos ni PNP chief Ronald dela Rosa sa mga pulis na hulihin ang bumaril sa mga biktima at kung hindi ay mawawalan sila ng trabaho. Ating abangan kung magagampanan ng mga pulis na hulihin ang mga walang pusong nagpaputok ng baril nitong nakaraang Bagong Taon.

***

Nais nating batiin si Baby Ruth Villarama dahil ang pelikulang “Sunday Beauty Queen” na siya ang direktor, ang itinanghal na Best Picture sa ika-42 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Bukod dito ay napanalunan din ng natu-rang pelikula ang Best Editing at Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award. Isa rin ito sa tatlong pelikula na itinanghal na Children’s Choice kasama ang Saving Sally at Vince & Kath & James.

Si Villarama ay dati kong estudyante sa Journalism sa University of Santo Tomas (UST). Congratulations, Baby Ruth. Isa kang tunay na alagad ng sining.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque. Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

PADAYON logo ni Teddy Brul

Torre knockout sa loob ng 85 Araw

PADAYONni Teddy Brul NAKAGUGULAT ang biglaang pagkakatanggal kay General Nicolas Torre III bilang hepe ng …

Firing Line Robert Roque

Isa pang panalo vs online gambling

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISANG linggo makaraang manindigan ang GCash laban sa online …

Dragon Lady Amor Virata

Salamat sa DSWD

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata DALAWAMPU’T DALAWANG ospital sa bansa ang tumatanggap ng guarantee …

Firing Line Robert Roque

China, tahimik lang; asar-talo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NAKABIBINGI ang pananahimik ng China. At dinig ito ng …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Tambalang national gov’t, LGUs at NLEX tutugon sa  flood mitigation

PADAYONni Teddy Brul PINADALISAY ang pagtutulungan ng NLEX Corp., sa Department of Transportation (DOTr), Toll …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *