Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

PNP-SPD namasko nang walang humpay?! (Attention: NCRPO RD Gen. Oscar Albayalde)

ANAK ng bagman!!!

Lumagari pala nang husto ang bagman o enkargado ng Southern Police District (SPD), dalawang linggo bago mag-Pasko.

Si alyas BOY AGWAS, ang matikas na bagman ng PNP-Southern Police District (SPD) ay naglunsad ng kanyang sariling OPLAN KATOK-TARA (hindi tokhang)…

Isang matinding kampanya ng OPLAN KATOK sa iba’t ibang establisyemento, at siyempre higit sa mga ilegalista.

Ngumangal nga ang club owners, at ultimo beer houses na maliliit, sinagasa umano ni Boy Aguas.

Hindi lang pamasko ang inihirit, ini-advance na pati pang-Bagong Taon!

Suyod na suyod habang kaladkad ang pangalan ni SPD director, Senior Supt. Tomas Apolinario.

Wattafak!? Jackpot!

080416 police bagman money

Heto pa ang siste, hindi lang OPLAN KATOK, may oplan dagdag-bawas intelihensiya pa.

Dagdag na hatag mula sa ilegalista, at bawas umano sa remittances.

Ang ginamit na alibi, maraming taga-media raw ang humihirit sa kanya…

Sonabagan!!!

Ginamit pa ang media at diniinan ang mga kolumnista!?

Kernel Apolinario Sir, mukhang wasak na wasak ang panglan mo sa OPLAN KATOK ni Boy Aguas sa distrito mo…

Kumusta naman ba ang ulo mo? Hindi ka kaya nabukulan nang malaki?

Arayku!

MGA TAGA-LAYLAYAN
SA NAGA ‘NASAYONATSI’
NI MADAM LENI ROBREDO

122816-leni-robredo

Kung hindi tayo nagkakamalil dalawang linggo bago dumating ang bagyong si Nina, inianunsiyo na ng PAGASA, National Disaster Risk Reduction and Monitoring Council (NDRRMC), at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang babala sa mga tatamaang area.

Kabilang sa mga lugar na ito ang MIMAROPA, Southern Luzon, Bicol Region at Eastern Vizayas.

Inisip natin na tutugon agad si Madam VP Leni “Tsinelas” Robredo at maghahanda siya ng contingency plan para sa kanyang mga kababayan sa Southern Luzon at sa Bicol Region.

Pero mukhang ‘walang bilang’ ang babalang ito para kay Madam Leni Robredo dahil mas pinili niyang mag-holiday sa New York.

Indeed, Madam Leni Robredo loves New York (the city that never sleeps) so much!?

Kaya nang dumating ang bagyong si Nina at habang sinasalanta ang Naga City at nangangaligkik sa lamig dulot ng hambalos ng ulan ang mga taga-Naga na nasa ‘laylayan’ ni Madam Leni, nagliliwaliw ang blooming na biyuda ni Jessie Robredo sa New York City.

Wattafak!?

Mantakin n’yo ang ating Pangulong Duterte sa bahay lang nag-celebrate ng simpleng Christmas get-together pero si Madame VP sa Tate mas piniling mag-Pasko?!

Kaya kung hindi alam ng mga taga-Naga kung paano nila lalabanan ang lamig at ginaw dulot ng bagyong si Nina, enjoy na enjoy naman daw si Madam Leni sa kanyang white Christmas courtesy of winter snow in New York?

Kasama kaya sa holiday vacation si Boy Bigote?

Tsk tsk tsk…

In short, nasayonatsi (sa ‘yo na tsinelas) ang mga taga-Naga, sabay takbo sa New York ni Madam Leni!?

Sabi nga ng netizens, nagtangka pa raw magtayo ng ‘remote’ control center si VP Leni sa social media para kunwari ‘e concern siya sa kanyang mga kababayan pero sa totoo lang parang na-Yolanda take 2 ang mga taga-Naga.

Heto pa, nakipag-coordinate na raw si VP Leni, sa US of A para makapangalap ng relief goods (courtesy of Loida Lewis?)…

‘E kung si DSWD Madam Judy Taguiwalo nga ayaw tumanggap ng relief goods mula sa US, si Madam Leni ipinanghihingi na ang kababayan niya?!

Wattafak!?

TULAK SA BRGY. RIZAL,
MAKATI CITY

FYI Sir, sana maiparating sa PDEA ang salot na shabu pusher na si E-manuel aka Hapon, Intsik, Noel, dto sa  San Francisco St., Brgy. Rizal Makati City. Maraming tao ang binibigyan niya ng pera para magbenta ng shabu, continuous activity. Info pa: tao siya ng pulis Makati.

+639183220 – – – –

GALIT NA
SA ‘DILAWAN’

GOOD pm Sir Jerry, nabasa ko ‘yung kolum n’yo noong Disyembre 15, tama po naisulat n’yo, puro banat at puro paninira kay DU30, ang LP BOYS, ginagamit lang nila si Leni para maagaw ang kapangyarihan. Tama na dilawan boys, Drilon, Recto, Aquino, Lacson, Pangilinan, Hontiveros, at lalong-lalo na walanghiya na De Lima at duwag na sundalo si Trillanes. Tama na sawa na kami sa inyo. ‘Di ko ibinoto si Duterte noong nakaraang eleksiyon, pero gus2 ko ’yung ginagawa nya. Nagpapasalamat ako dahil ‘yung mga adik at maton wala na sa aming barangay. We support President DU30. Thank you Sir Jerry. Merry Christmas and Happy New Year.

+63926938 – – – –

PATRICK SECURITY AGENCY
AYAW IBALIK ANG CASH BOND
(ATTENTION: DOLE)

GOOD am po sir. Maaari po ba tulungan n’yo ako. Kasi ako po isang security guard nakatira sa Capulong Brgy. 151 Tondo, Manila. Isang taon dalawang buwan po ako naka-duty sa agency pangalan sir Patrick security agency hangang ngayon hndi po binabayaran ‘yung cash bond ko kaltas sakin. At hndi po nila ako binigyan ng duty.

+639752146 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *