Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Online gambling, casino junket operations at rolling scheme imbestigahan ng BIR

ISA sa mga ikinatutuwa natin sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ‘e ‘yung pagiging lohikal o makatuwiran nila — o para sa mas mabilis na pagkaunawa, tinuturan ng Pangulo ang sambayanan na gamitin ang kanilang common sense.

Hindi gaya ng mga pa-intelektuwal na administrasyon na kunwari ‘e tahimik lang at deep thinker pero sa totoo lang puro panggugulang ang alam.

Isang eksampol ngayon ang kaso ni Jack Lam, ang  Macau gambling tycoon na may-ari ng Fontana Leisure Parks & Casino sa Clark, Angeles, Pampanga.

Dito nadakip ang 1,316 Chinese nationals na nagtatrabaho sa mga online casino.

Ayon kay Bureau of Internal Revenue (BIR) chief, Cesar Dulay, matagal nang niloloko ni Jack Lam ang gobyerno. Ni isang kusing ay hindi nakinabang ang gobyerno sa kanyang mga negosyo sa bansa.

122316-duterte-bir

Sa mga suki natin, alam nila na matagal na nating binabanatan at kinakalampag ang mga online gambling, casino junket operations at rolling scheme na namamayagpag sa mga casino gaya sa Solaire, Resorts World Casino, City of Dreams, Midas Casino at Pagcor casinos.

Kumikita sila, lalo na ang mga dayuhan nang limpak-limpak na salapi pero walang pakinabang ang gobyerno. At sa kabila nang ganyang sistema, hindi ‘yan inire-report ng mga casino dahil siyempre nakikinabang sila sa junket operators.

Sa wakas, may isang Pangulo ng bansa na nakita ang panggugulang ng mga kagaya ni Jack Lam.

Suportado natin ang panawagan ng Pangulo na ipasara na ang mga online gambling casino.

Isunod na rin ang mga online sabong na namamayagpag ngayon sa internet.

At higit nating sinusuportahan na buwagin ang Anti-Money Laundering Council (AMLC), paimbestigahan  at  i-lifestyle  check ang mga opisyal!

Go Digong go!

KAKAIBA ANG TOKHANG
NG MUNTINLUPA CITY

122316-muntinlupa-jaime-fresnedi

Seryoso, hindi propaganda at lalong hindi technical arithmetic ang ipinaiiral na Oplan Tokhang ng Muntinlupa City.

Kung sa ibang lungsod, pagkatapos magsisuko ang mga pinaghihinalaang adik at pusher ay isa-isa nang bumubulagta dahil umano nanlaban o kaya ay na-riding-in-tandem, sa Muntinlupa City ang Drug Abuse Prevention Control Office (DAPCO)  ay mayroong seryosong programa para alalayan ang mga naligaw ng landas na makabalik sa mainstream society.

Katunayan, pagkatapos ng Oplan Tokhang na umabot sa 3,000 nagsisuko, natuklasan ng DAPCO na 724 sa kanila ay mildly o slightly affected ng ilegal na droga.

Ayon kay Muntinlupa DAPCO chief, Florocito Ragudo, ‘yang 724 slightly & mildly affected by illegal drugs ay siyang ipapasok nila for counselling and livelihood seminars.

Bukod diyan, linggo-linggo rin silang imino-monitor ng barangay anti-drug abuse council (BADAC) upang makatulong sa kanilang  tuloy-tuloy ma pagbabago.

Ibang klase talaga si Mayor JAIME FRESNEDI.

Ang kanilang Oplan Tokhang ay may puso at tunay na malasakit sa mga kababayan o constituents na naligaw ng landas.

Sana ay tularan ito ng ibang lungsod lalo na ‘yung mauunlad na lungsod na may kakayahang pondohan ang ganitong proyekto at programa.

BASKETBALL COURT
OBSTRUCTION SA SAMPALOC

SIR tanong ko lang po kung bawal ang paliga ng basketball sa kalsada? D2 po kasi sa Quintos corner Laong-Laan, Sampaloc, isinasara nila ang kalye, pagsapit ng 7:00 pm. Prehuwisyo po sa aming mga motorista at ang ingay-ingay pa po. ‘Wag n’yo po ilagay ang number ko. Tnx and more power. God bless sa inyong lahat diyan.

+63929831 – – – –

Ang pagkakaalam natin, ipinagbabawal na ang maglagay ng basketball court sa gitna ng kalsada na nagiging sanhi rin ng traffic.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *