Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ina ni Julia na si Marjorie, mangunguna sa cinema tour (Dahil sa sobrang excitement…)

SOBRANG tuwa at saya ang naramdaman ng buong cast ng Vince & Kath & James na sina Joshua Garcia, Julia Barretto, at Ronnie Alonte dahil napasama sila sa 2016 Metro Manila Film Festival na produced ng Star Cinema na idinirehe naman ni Ted Boborol na mapapanood na sa December 25.

Nakausap namin si Julia pagkatapos ng Q and A at kuwento nga niya, “sobrang happy kasi first time naming lahat na makapasok sa MMFF. And first real film ko ‘to.”

Napakunot ang noo namin dahil bakit niya nabanggit na first real film, ‘yung iba ba hindi totoong pelikula?

“Kasi the first I made it parang ano lang ‘yun, guest lang ako, introducing,” sangga naman kaagad ng dalaga.

Dagdag pa, “Yes and this project is very close to my heart and very blessed.”

Hirit ulit namin, bakit ‘close to my heart?’ True to life experience ba ang papel ni Julia sa pelikula?

“Close to my heart kasi matagal ko nang ipinag-pray ang ganitong klaseng proyekto,” seryosong sagot ng dalaga.

Ang ganda ng samahan nina Joshua, Julia, at Ronnie kaya panay na ang biruan nila na mukhang super close na nga.

“We have this such bond kaming tatlo, we all get along and ‘di ba (sabay baling kina Joshua at Ronnie), we’re all celebrating Christmas together with our fans and families,” sabi ni Julia na sinang-ayunan naman ng dalawang boys.

Mag-iikot daw sa mga sinehan ang tatlong bida sa mismong araw ng pagpapalabas ng Vince & Kath & James.

“Kasama naman ang pamilya namin, ako lalo na ang mommy (Marjorie Barretto) ko na sobrang proud. Siya ang magsi-cinema tour,” masayang kuwento ni Julia.

Hmm, parang kakaiba ang mga tinginan nina Joshua at Julia kaya tinanong namin kung sila ba ang magkakatuluyan sa pelikula at si Ronnie ang third wheel at kung posibleng magkatotoo sa tunay na buhay.

Sabay tingin ni Josh kay Julia na parang nahihiya at sabay sabing, “soon ‘yan, antay lang kayo,” pabirong bulong nito sa mikropono.

Balik tanong namin kay Julia kung may chance si Joshua at nakakaloka, bumulong ang binatilyo ng, “huwag mo ng sagutin ‘yan, ano ka ba, ang daming camera.”

Kaya nagkaroon ng dead air dahil nag-isip pa si Julia, “ahh, I think time will tell naman, eh. Ang hirap kasing sagutin ‘yan, lalo’t you’re not in that situation yet. I don’t know, iba-ibang priorities naming tatlo as we speak, pero love will come, it will come but we don’t know when.”

Hirit sa dalaga, ‘baka kayo (Joshua) na, hindi lang namin alam?’

“Ako pa, honest kaming lahat, kaming tatlo rito, honest kami,” natawang sagot ng aktres.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …