Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Murder vs Supt. Marvin Marcos et al

MATAPOS ihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) ang resulta ng kanilang imbestigasyon na rubout at hindi shootout ang pagkakapaslang kay Albuerra, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr., nangangahulugan lamang na murder ang isasampang kaso sa grupo nina dating CIDG-8 chief, Supt. Marvin Marcos.

Sabihin man ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na sagot niya ang mga pulis na nakapatay kay Espinosa, hindi mapipigilan na ‘gumulong’ ang hustisya sa pamamagitan ng submisyon ng magkabilang panig sa proseso ng korte.

Ang gusto sigurong sabihin ng Pangulo rito, susuportahan ng pamahalaan ang mga pulis na sangkot sa nasabing operasyon sa pamamagitan ng pagkakaloob ng tulong na legal at alalay sa kanilang pamilya.

Pero hindi nila panghihimasukan ang proseso ng paglilitis sa korte.

Hindi ba’t sinabi ng Pangulo noon, kapag nasentensiyahan ang mga pulis dahil sa pagpaslang ng mga adik, bibigyan niya agad ng pardon.

Kaya dapat magdasal na sa lahat ng Santo si Kernel Marcos, na masentensiyahan na agad siya habang nandiyan pa si Tatay Digs para bigyan siya ng Pardon ng Pangulo.

At habang naghihintay siya ng pardon, e makisalamuha muna siya sa mga drug lord sa Bilibid.

E di parang nag-reunion lang sila sa loob ‘di ba?!

Wattafak!?

E kasi naman, bakit pa tumira nang ‘walang gulang’ si Kernel Marcos?!

‘Yun, siya tuloy ang nadale.

Anyway, sabi nga, ang paglilitis sa korte ay isang paraan para ipagtanggol ng isang akusado ang kanyang sarili.

Pansamantala, kailangan munang sumunod sa proseso ng batas ang mga pulis na nasasangkot sa nasabing asunto.

Babantayan natin ‘yan!

BULOK NA BULOK
NA BULOK
ANG KOLIN AIRCON,
PROMISE!

112116-poor-bad-customer-service

Walang katapusang turuan ang nararanasan ng kabulabog nating bumili ng Kolin airconditioner.

Hanggang ngayon, piyesa o  spare parts pa rin ang idinadahilan ng Kolin kaya hindi pa rin maayos-ayos ang kanyang airconditioner.

Siguro, bago mag-Enero 2017, baka sakali mapalitan na ang spare parts.

Aba mantakin ninyong itinuro pa ang kunsumidong kliyente ng authorized service center sa kanilang Kolin main office sa Magallanes.

Pero as usual, ang sagot, hihintayin pa ang spare parts ng Kolin airconditioner.

Sonabagan!!!

Tip lang po, huwag kayong makikipag-usap nang matagal sa mga taga-Kolin Magallanes, kasi para silang mga tigreng gutom na gutom kung makipag-usap sa mga kliyente.

Mga arogante at bastos pa!

Kunsumisyon na ang produktong KOLIN, bastos pa ang mga service crew sa Magallanes!

Kaya ang payo ng kabulabog natin, huwag na huwag kayong bibili ng KOLIN products dahil SUPER PALPAK!

FUND-RAISING NG P40-M
PONDO NG MISS UNIVERSE
IPINATIGIL

110816-money-protest

Nagreklamo ang maliliit na negosyante sa Baguio City na may stall sa Burnham Park dahil nagtayo doon ng Christmas bazaar ang Hotel and Restaurant Association of Baguio (HRAB).

Ang HRAB ang sponsor ng tour ng mga contestant para sa Miss Universe na gaganapin sa ating bansa sa Enero 2017.

Pero kinontra ito ng local traders sa pamumuno ng isang Ellen Lao.

Ayon kay Lao, ‘natatapakan’ ng HRAB ang Baguio traders dahil sa fund raising na ‘yan para sa Miss Universe event.

Katunayan, naghain ng petisyon sa Baguio court sina Lao para sa temporary restraining order (TRO) na pinayagan naman sa loob ng pitong araw.

Ang tanong nga rito, bakit nga ba, kinuha ‘yang proyekto na ‘yan pero wala naman palang pondo?!

Lalabas nga naman na ipinangingilak pa ng HRAB ang Miss Universe.

E kung tutuusin, dahil magiging pabor sa mga negosyo nila ang nasabing event, dapat lang na magpaluwal sila.

Dapat tantanan ng HRAB ang paggamit sa pangalan ng Miss Universe pageant sa kung ano-anong fund raising at huwag rin nilang ‘tapakan’ ang  maliliit na negosyante.

Mahiya naman kayo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *