Monday , December 23 2024

Kerwin, Dayan, Espenido magkakasalungat (May sinungaling — Drilon)

NAKAKITA ng mga palatandaan ng “fabrication” ng testimonya si Sen. Franklin Drilon sa pagtatanong niya kina Kerwin Espinosa, Ronnie Dayan at Chief Insp. Jovie Espenido sa nagpapatuloy na pagdinig ng Senado kaugnay sa pagkamatay ni Albuera Mayor Rolando Espinosa.

Nagsasalungatan ang pahayag ng tatlo kung sino ang nagpakilala sa isa’t isa upang maging bahagi ng transaksiyon sa drug money.

Giit ni Espinosa, si Espenido ang nagpakilala sa kanya kay Dayan at nagbigay ng cell phone number.

Ngunit itinanggi ito ni Dayan dahil ngayon lang aniya niya nakita ang Albuera police chief.

Habang sinabi ni Espenido, totoong nagkakausap sila sa cell phone ni Kerwin ngunit wala siyang ipinakikilala.

Binigyang-diin niyang Bible verse lang ang ipinadadala niya, sa pamamagitan text blast.

Para kay Drilon, dapat maparusahan ang nagsisinungaling, pati na ang posibleng nasa likod ng fabrication ng salaysay.

Statement paiba-iba
HIRIT NI PACQUIAO
CONTEMPT DAYAN

ISINULONG ni Sen. Manny Pacquaio na i-contempt si Ronnie Dayan.

Ayon kay Pacquiao, hindi siya kontento sa mga paiba-iba at kulang na mga impormasyong ibinibigay ni Dayan sa mga senador.

Dagdag ng fighting senator, kahit anong sagot ang gawin ni Dayan ay nakukulangan siya sa mga sinasabi sa pagdinig.

Sinang-ayonan ni Sen. Vicente Sotto ang mosyon ni Pacquiao at sinabi pang dapat sa Bilibid 14 ilagay si Dayan.

Gayonman, pumalag si Sen. Antonio Trillanes sa gustong mangyari nina Pacquiao at Sotto.

Ani Trillanes, dapat ay ipa-cotempt din ng Senado si Kerwin Espinosa dahil hindi magkatugma ang mga pahayag ng dalawa.

BATO, DE LIMA
NAGKAINITAN

NAGKAINITAN sa pagdinig ng Senado sina Sen. Leila de Lima at PNP chief Director General Ronald dela Rosa.

Nag-ugat ito sa tanong ni De Lima ukol sa nag-utos kay Dela Rosa para i-reinstate si Supt. Marvin Marcos sa puwesto sa kabila nang pagkakaugnay ng opisyal sa isyu ng ilegal na droga.

Iginiit ng PNP chief, nagsalita na sa isyung ito si Pangulong Rodrigo Duterte kaya ayaw na niyang magbigay pa ng mga pahayag.

Pero inobliga siya ni De Lima na sagutin ang tanong para sa ikalilinaw ng pagdinig.

Sa puntong ito, bahagyang tumaas ang boses ni Dela Rosa at nasabing palit sila ng puwesto ng senadora.

Ngunit sinabi ni De Lima, sagutin lang ang tanong dahil ito ang dahilan ng pagharap ng resource persons. Inawat sila ni Senate committee on public order and dangerous drugs chairman, Sen. Panfilo Lacson at nagpatuloy ang pagdinig.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *