PATULOY na hinahasa ng talented na newcomer na si Lara Lisondra ang kanyang galing para sa pangarap na magkapuwang sa music industry. Nakagawa na ng album si Lara sa Saudi Arabia na pinamagatang Simply Lara. Ito ang rason kaya siya binansagang Pinay Teenstar ng Riyadh. Ang album ay may limang cuts, ang carrier single na Di Na Kakayanin Pa, Kung Di Ako Mahal, at Suklamahal na pawang original composition ng manager niyang si Gene T. Juanich. Dalawa naman ang covers, ang Dance with My Father at The Best Day.
Si Lara ay pangatlo sa apat na magkakapatid sa mga magulang na sina Wilfredo at Melva Lisondra. Siya ay 16 years old pa lamang at katatapos lang ng Grade 10 sa Al Danah International School, Riyadh, Saudi Arabia, na birthplace niya rin.
Nakagawa na si Lara ng ilang shows sa Pilipinas at sumailalim sa acting workshop kay Ogie Diaz ilang buwan na ang nakararaan. Ngayon ay voice coach niya si Joel Mendoza at ipinahayag ni Lara ang kagalakan sa bagay na ito. “Siyempre po happy and determined, kasi I know na magaling po siyang mentor. Masaya po ako kasi one of a kind yung way of teaching niya pagdating sa voice.”
Ayon pa sa dalagita, umaasa siyang mas maraming opportunities ang darating sa kanya sa Pilipinas. “Sa career ko po, sana mas marami pong opportunities na dumating, especially po sa singing,” nakangiting saad ni Lara.
Kaya mo bang pagsabayin ang singing and studies at gaano ka nag-eenjoy kapag kumakanta? “Kaya naman po pagsabayin, pero may time po talaga na super daming school works kaya po naca-cancel po yung mga rehearsals namin minsan.
“Sa next question po, as in super nag-eenjoy po ng one hundred percent and it’s kind of being one of my stress relievers,” masayang saad pa ni Lara.
Sinabi rin ni Lara ang inspirasyon sa pagkanta. “Siyempre po yung buong family ko and to those people na nag-iisip na hindi ko po kaya ang pagkanta.”
Incidentally, mapapanood si Lara sa show na Let’s Celebrate: December Fever! sa Music Box sa December 4 (Sunday). Tampok din dito sina Tori Garcia, Erika Mae Salas, Pauline Cueto, at Sarah Ortega. Special guest naman sina Martin Escudero, LA Santos, at Mavi Lozano. Kasama rin dito si Rina Sy at ito’y mula sa direksiyon nina Throy Catan at Leklek Tumalad.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio