Thursday , November 28 2024

P570-M pondo para sa rehab centers inilaan na ng DOH

Bilang suporta at pakikiisa sa kampanya laban sa ilegal na droga ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, maglalaan ang Department of Health (DoH) ng P570 milyones para magtayo, mag-upgrade, mapalawak at maisaayos ang 16 public drug treatment and rehabilitation centers (TRCs) sa bansa.

At ‘yan ay suportado ng mga mambabatas na isa riyan ay si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel.

Kasama sa panukalang P3.35-trilyong national budget para sa 2017 ang paglalaan ng pondo para sa pagbubuo ng impraestruktura ng government-run residential TRCs upang tugunan ang rehabilitasyon ng malaking bilang ng drug users.

Si Pimentel, ay miyembro ng House appropriations committee.

Ang pondong P570 milyones ay nakalaan para sa drug centers sa Bicutan, Taguig City na makakukuha ng  P51 milyon; sa San Fernando, La Union na may P15 milyon; sa Bauko, Mountain Province na may P65 milyon; sa Ilagan, Isabela, P20.3 milyon; Pilar, Bataan, P20 milyon; sa Pampanga P60 milyon; San Fernando, Camarines Sur, P24.2 milyon; sa Pototan, Iloilo P8.3 milyon; sa Argao, Cebu P54 milyon; sa Cebu City P11.7 milyon; sa Dulag, Leyte P4.2 milyon; sa Sindangan, Zamboanga del Norte P20 milyon; sa Ipil, Zamboanga Sibugay P20 milyon; sa Cagayan de Oro City P11 milyon, at sa Davao City P35 milyon.

Kasama rin sa naturang budget ang P150 milyon na ibibigay sa DOH central office para sa infrastructure requirements ng nasabing centers.

Malaking project ngayon itong isinusulong ng DoH. Isa po tayo sa natutuwa riyan.

Pero sana lang po, magkaroon din ng budget para sa human resources na siyang magpa-facilitate ng programa sa bawat TRCs.

Matagal na pong adbokasiya ng inyong lingkod ang kampanya laban sa ilegal na droga at rehabilitasyon ng mga nagiging biktima nito.

Kung malaking budget ang nakalaan rito, sana lang po ay ‘yung mga matitinong tao ang mailagay dito para hindi makatkong ang budget nito.

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *