Ret. Col. Jeofrey Tupas kailangan sa BI (Paging: SoJ Vitaliano Aguirre)
Jerry Yap
November 30, 2016
Bulabugin
Nagkaroon nga pala tayo ng pagkakataon na marinig ang panig ng naging favorite subject noon dito sa Bulabugin na si retired military Colonel Jeofrey Tupaz.
Noon nga naman ay sunod-sunod na batikos ang kanyang inabot bunsod na rin sa reports na ipinarating sa atin.
Ipinaliwanag niya sa inyong lingkod ang kanyang mga naging hinaing o sama ng loob dahil na-misunderstood daw ang kanyang totoong pakay o misyon sa kanyang paglilingkod sa Bureau of Immigration.
Sa panahon daw ng kanyang panunungkulan bilang isang miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay hindi raw niya ninais na mabahiran o madungisan ang kanyang pangalan lalo pa at siya ay retirado na sa serbisyo.
Nasa kanya rin ang mahabang panahon at kapangyarihan kung gusto niyang maging tiwali or we may say corrupt, pero bakit ngayon pa niya gagawin kung kailan isa na siyang pribadong mamamayan?
Kahit minsan umano ay hindi siya kumita o pinagkitaan ang pagiging T/A for Intelligence sa panahon ni dating BI Commissioner Fred Mison.
Sa kasalukuyang administrasyon na pagbabago sa kagawaran ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte, hangad lang ni ret. Col. Tupaz ang maglingkod nang tapat at maging gabay ni Commissioner Jaime Morente sa mga gustong umabuso at magsamantala sa kagawaran.
At sa kanyang konting kaalaman ay masuportahan rin niya ang mga programa at vision ni Comm. Morente sa Bureau.
Sa ating palagay, seryoso naman si Col. Tupaz sa kanyang mga tinuran.
Being a retired and respected military officer that he is, let us be fair enough to give the man a chance to prove his worth.
Let us be dispassionate to each and everyone, sabi nga!
SOJ Vitaliano Aguirre, dapat mabigyan ng puwesto ang mamang ito sa bureau na makatutulong nang malaki sa mga programa ninyo.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap