Saturday , November 23 2024

Vic, inspirasyon si FPJ sa paggawa ng pelikulang pambata

PAGKATAPOS maglabas ng sama ng loob sina Mother Lily Monteverde, Vice Ganda, Coco Martin, at direk Joyce Bernal dahil hindi napili ang mga pelikula nilang Chinoy Mano Po 7 at The Super Parental Guardians, hindi rin nagpahuli si Vic Sotto bilang bida at producer ng Enteng Kabisote 10 and the Abangers na pare-parehong entry sana sa 2016 Metro Manila Film Festival.

Sa nakaraang presscon ng nasabing pelikula ni bossing Vic ay nabanggit niyang nalungkot siya dahil lumabas na walang pakialam ang screening committee ng MMFF ngayon kung ano ang sasabihin ng nakararaming filipino na walang mapapanood na pambata sa Disyembre 25.

Malumanay na sinabi ni Vic, “with all due respect sa mga kasamahan natin sa pelikula, for the first time in so many years, panahon pa nina FPJ (Fernando Poe, Jr), Dolphy hindi nawawalan ng pambata kapag pinag-usapan ang Metro Manila Film Festival. Ako naniniwala ako sa salitang respeto, respetado ko ang panlasa ng bawat tao.

“I am talking about panlasa, kasi nirerespeto ko ‘yung panlasa ng screening committee, I have nothing personal against them, para sa akin nirerespeto ko ang panlasa nila ay ganito o ganoon.”

Bukas pa rin naman daw si Vic next year na muling gumawa ng pelikula depende raw sa regulasyon.

Ini-reveal pa actor/producer na simula raw nang umpisahan niyang gumawa ng Enteng Kabisote noong ‘90s ay si Fernando Poe, Jr. (SLN)  ang naging inspirasyon niya dahil sa Panday series ng Hari ng Aksiyon.

“Panday era ‘yun, eh, from that time, nagkausap kami ni FPJ, sabi niya, ‘last ko na ‘to ‘Panday 4’, pag-isipan mo baka gusto mong gawin pelikula ‘yung ‘Okay Ka Fairy Ko’ para sa mga bata.

“FPJ ang nag-instill (idea) sa utak ko na ‘pag Pasko, kailangan may mapanood ang mga bata. Iyon ang nagdikdik sa utak ko at sa damdamin ko na kailangan may puwedeng panoorin ang mga bata, so si FPJ talaga ‘yung nagtulak talaga sa akin, nagpalakas ng loob ko,” pagtatapat ng komedyante.

At dito na nga sumilang ang Okay Ka Fairy Ko na Enteng ang karakter ni Vic na napangasawa si Alice Dixon bilang unang gumanap na Faye at sinundan ni Kristine Hermosa na umabot sa apat na pelikula.

Hanggang sa naging Enteng Kabisote na dahil nawala na si Reyna Magenta na ginampanan ni Ms Charito Solis.

Mapapanood na ang Enteng Kabisote 10 and the Abangers sa Nobyembre 30 at ang buong cast ay sina Oyo Boy Sotto, Aiza Seguerra,  Bayani Casimiro Jr, Epi Quizon, Jose Manalo,  Wally Bayola,  Paolo Ballesteros, Ryzza Mae Dizon, Bea Binene, Alonzo Muhlach, Ken Chan, Ryza Cenon,  Cacai Bautista, Jerald Napoles, Jelson Bay, Sinon Loresca, at Atak.  With special participation din nina Joey de Leon, Alden Richards as Richard, Maine Mendoza, Pauleen Luna-Sotto, at Max Collins mula sa direksiyon nina Marlon Rivera at Tony Y. Reyes mula sa Octoarts Films, MZet Productions, at APT Entertainment.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *