Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michael, may free concert sa ika-21 kaarawan

LIMANG taon na sa music industry si Michael Pangilinan bilang produkto ng reality show na X Factor na napanalunan naman ni KZ Tandingan noong 2012.

At dahil sa maraming blessings na natatanggap niya ay gusto niyang mag-give back sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanya.

Ayon kay Michael, ”sa loob ng limang taong pamamalagi ko sa music industry, I guess it’s time for me to give back. Sabi nga, it’s payback time sa mga nagmamahal at sumusuporta sa akin, ‘di ba?

“Over the years, I truly realized na ito talaga ang mundong gusto kong tahakin—ang pagiging singer/performer. And I’m truly grateful to all of you-to my manager (Nanay Jobert Sucaldito) who has always stood by me since day one—I promise you na hindi ko pababayaan ang karerang ito and I will be a better boy.

“Thanks also to my audience, sa Michael’Overs na nagtitiyaga sa akin, my producers, my sponsors, members of the media na palaging nariyan sa tabi ko and to my family—to my mom and dad and siblings—Kuya Sam and Peter, whew!

“To my son Ezekiel na inspirasyon ko sa bawat minute—one day ay magsasama rin tayo. Mahal na mahal kita anak ko. And of course, to Almighty God na sobrang bait hindi lang sa akin kundi sa ating lahat.

“Kaya dapat magkita-kita tayo sa Rajah Sulayman Park sa November 26 at magkantahan tayo.

“Gusto ko ring ipaabot ang taos-pusong pasasalamat kina Mama Laarni Enriquez at Tito Joseph Estrada for allowing me to hold my FREE concert sa Rajah Sulayman. Hinding-hindi ko po makalilimutan itong regalo niyo sa akin.”

Ang titulo ng free concert ni Michael ay, Si Erap, Si Michael at ang mga Manilenyo kasabay sa 21stbirthday ng singer at gaganapin sa Rajah Sulayman Park, Roxas Boulevard, Malate, Manila on November 26, 2016, 4:00-7:00 p.m..

Ang mga guest ay sina Vice Ganda, KZ Tandingan, Marion, Garie Concepcion, Hashtag Nikko Seagal Natividad, Kuya Boy Abunda, Kiel Alo, Ezekiel, Kyle Matthew Manalo, Jake Ejercito, Allan K, Boobsie Wonderland, Ate Gay, Atak, Harana, Bugoy Drilon, Jovit Baldevino, Pink Mannequins, Jimmy Bondoc, Duncan Ramos, Ady Siwa, Wowowie Dancers, Richard Parojinog, Stefanie Patana and President/Mayor Joseph Esrada, hosted by DJ Chacha and Romel Chika.

Ang musical director ng show ay si Ivan Lee Espinosa kasama si Marnie Jereza at Sam Gaddi bilang back-up singers.

Ang Si Erap, si Michael at ang mga Manilenyo ay presented ng  SmartBro and PLDT Home, major sponsors Aficionado Germany Perfume, Livergold, M Lhuillier, Erase Placenta, Harmony and Homes, Ideal Vision Center, Mama Lily and Daddy Henry Chua, Atty. Carmelita Lozada, Mr. Neal Gonzales, Mr. Art Atayde, Mr. Atong Ang, Guiguinto, Bulacan Mayor and Mrs. Boy and Precy Cruz, Ms. Josie Yu, Xentro Malls, Mr. & Mrs. Nixon at Adela Teng, Mr. Boy Abunda at Isabela Gov. Bojie Dy.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …