Sunday , November 24 2024
nbp bilibid

PNP ret. C/Supt. Benjamin Delos Santos bagong BuCor director

Nagpasalamat kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre si retired PNP C/Supt. Benjamin delos Santos dahil sa tiwala at pagkakatalaga sa kanya bilang bagong director ng Bureau of Corrections (BuCor).

Para kay bagong BuCor Director Delos Santos, isang malaking pagtitiwala at hamon ang iginawad sa kanya ni Secretary Aguirre at ni Pangulong Rodrido “Digong” Duterte mismo.

Sa gitna nga naman ng kontrobersiya sa droga, kriminalidad at korupsiyon sa loob ng National Bilibid Prison (NBP), siya na isang pulis ang itinalaga ng Pangulo.

Aniya, mahabang panahon na ang BuCor at Bilibid ay hindi nakatatanggap ng sapat na administrative and budgetary support.

Mantakin ninyong ang ratio nito ngayon ay 1:300. Ibig sabihin isang jailguard sa 300 preso. Umabot na rin sa 16,000 ang populasyon ng NBP. Nagsisiksikan sila sa estrukturang para lamang sa 5,000 preso.

At dahil sa kakulangan sa jailguard, mismong mga ‘mayor’ o gang leader ang ginagawang kanang kamay ng mga jailguard para pangalagaan ang kanilang kapwa preso.

Okey lang ito kung maayos ang mayor o gang leader, e paano kung gamitin din sa kawalanghiyaan ang mga kapwa-preso niya?!

Isa sa mga inaasahan ni BuCor Director Delos Santos ay mai-release ang pondo para sa 2013 BuCor modernization law. Isinusulong na raw ito ni Secretary Aguirre at hinihintay na lang ang approval ng DBM.

Malaking bulto ng budget na ito ay ilalaan sa malaki at expandable na correctional facility sa Fort Magsaysay. Malawak ito at kayang mag-accommodate ng mga preso na kailangang sumailalim sa rehabilitation program.

Kung ganito ang mangyayari, ang ating penitentiary, bilang 5th pillar ng criminal justice system ay magiging matagumpay sa kanilang reformatory and penology mandate.

Para kay Director Delos Santos, ang kanyang pangarap na correctional academy na magsasanay at magbibigay ng sapat na kaalaman sa mga propesyonal na prison guard at reformation specialists na susuweldo alinsunod sa upgraded salary standard ay hindi malayong magkaroon ng kaganapan ngayon sa ilalim ng Duterte administration.

Sa pamamagitan umano nito, siya’y magiging instrumento para sa transisyon sa isang modernong correctional system na ligtas sa nakahahawang kapaligiran ng korupsiyon at criminal activities.

Saludo tayo kay BuCor Director Benjie delos Santos!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *