Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Perci Intalan, masaya sa pagkakasali ng Die Beautiful sa MMFF 2016

AMINADO si Direk Perci Intalan na nagulat siya sa mga pelikulang pumasok sa Magic-8 sa gaganaping Metro Manila Film Festival simula sa December 25, 2016.

“Nagulat talaga ako at tama naman ang comment ng mga tao, na ang tapang ng desisyon na ito,’ saad niya. “I’m sure magaganda ang mga pelikula and to be fair, yung Die Beautiful, two years kami in the making dahil last year pa kami nagsimula, e,” aniya pa.

Kabilang sa mga pelikulang ito ang Ang Babae sa Septic Tank 2: Forever is Not Enough, Die Beautiful, Kabisera, Oro, Saving Sally, Seklusyon, Sunday Beauty Queen, at Vince and Kath and James.

Patuloy pa ni Direk Perci, “Iyong Sunday Beauty Queen, ilang years din iyon in the making. Iyong kay Rhian (Ramos) na Saving Sally, ten years in the making iyon. Iyong Kabisera ni Ate Guy, alam ko ay matagal na rin iyon.”

Si Direk Perci ang isa sa producer ng pelikulang Die Beautiful at partner ng director nitong si Direk Jun Lana. Tampok sa pelikulang ito ang loveable at versatile na Dabarkads na si Paolo Ballesteros

Ano ang reaksiyon mo sa sinasabi ng iba na parang hindi masaya ang fimfest ngayon dahil wala sina Vice Ganda, Vic Sotto at yung iba pa?

Sagot niya, “Well, siyempre ay nakakagulat na wala. I mean, kahit kami, hindi naman namin ine-expect na wala silang lahat, kasi ay nakasanayan na natin.

“But at the same time, I hope people will give a chance dito sa line-up. Totoo naman ang sinabi ng committee at nakita naman nila na all the genres are represented. This is the first time nga na may docu. So, ganoon ka-wide ang range.

“Marami namang times sa MMFF na nagulat tayo kung sino ang top grosser. I remember nang nag-top grosser ang Crying Ladies, nagulat ang mga tao. Iyong English Only Please, nagulat ang mga tao, di ba? Na noong pinalabas na, doon lang lumakas nang lumakas. So, baka ganoon din ito. Sana ay ganoon, so that people will be given a chance.

“Ang blessing sa amin ay yung (panalo) sa Tokyo, lalo na nang nanalo si Pao (Paolo), ang laking ingay. Ang maganda kay Pao, mahal siya ng industriya at mahal siya ng fans. Kasi, wala pa akong nakikitang anything na tinitira siya, kinukuwestiyon or ano. Mahal siya ng tao, kasi ang bait naman niya talaga.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …