Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maine Mendoza, may good news!

PATULOY na minamahal ang phenomenal star na si Maine Mendoza  dahil sa kanyang bubbly personality at unique style ng entertainment. Namumukod yata si Maine na naabot ang lahat ng mayroon siya ngayon sa loob lamang ng mahigit isang taon sa industriya.

Paano hina-handle ni Maine ang mga pagbabago sa personal na buhay niya ngayong sikat na sikat siya?

“I think it’s safe to say that I am still in the process of familiarizing. I still have a lot of things to learn and I think it would take me a long time to get used to everything,” aniya.

Kamakailan, ginulat na naman nina Maine at Alden Richards ang kanilang mga tagahanga nang ikasal sila sa kalyeserye ng Eat Bulaga. Sa maikling panahon, napatunayan ni Maine kung gaano siya kamahal ng lahat, a true crowd darling. Halos lahat ng ginagawa niya, tinatangkilik at talagang naghi-hit— TV shows, movies, appearances, singles and of course, endorsements!

Kaya naman may isa pang milestone siyang ibinahagi. Very proud si Maine na ang paborito niyang Young Pork Tocino ay ang Top-Selling Tocino in the country!

Ani Maine, “I am a proud endorser and sobrang proud at happy ako na kahit paano, nakatulong ako na ang CDO Funtastyk Young Pork ang top-selling tocino na ngayon sa bansa.”

Kilala ang CDO Funtastyk Young Pork Tocino sa superior product attributes nito—gawa ito sa 100% young pork, walang salitre at hindi lumiliit kapag niluluto.

“Fan talaga ako ng CDO Funtastyk Young Pork Tocino ever since kaya happy ako na number one na siya. It’s delicious, tender kasi hindi ito gawa sa inahing baboy and hindi ito malitid. It doesn’t shrink easily when cooked unlike other brands kaya young talaga ang love ko!”

And speaking of love, tila patuloy namang pinakikilig ni Maine ang lahat sa panghuhula kung ano na nga ba ang totoong status nila ni Alden. Fresh from their short vacation in Europe, nakapag-shoot na rin sila ng  Enteng Kabisote 10 and the Abangers.

Ano pa nga ba ang ibang aabangan sa kanila ni Alden?

“We are currently working on something outside ‘Eat Bulaga’, at dapat abangan nila ito.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …