Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Binoe, puwede nang makaboto at makapamasyal abroad

BY now ay baka nakalipad na patungong Delaware, USA si Robin Padilla para dalawin ang kanyang mag-ina (his wife Mariel Rodriguez and their newborn child Maria Isabella).

Sa bisa kasi ng ipinagkaloob na presidential pardon kay Robin ni Pangulong Rody Dutertenoong Martes over dinner at the Malacanang ay naibalik muli sa action star ang kanyang political at civil rights, bagay na ipinagkait sa kanya ng maraming taon makaraang masangkot sa kasong illegal possession of firearms.

Dahil sa pardon na ‘yon ay maaari nang bumotong muli si Robin at malayang makapaglalakbay.

Tiyak na iintrigahin ng marami ang pagkakaloob ng pardon ni Digong kay Robin just because lantaran nitong sinuportahan ang noo’y kumakandidato para sa pinakamataas na puwesto sa bansa.

Eh, ano naman ngayon? Hindi pa ba sapat ang ilang presidential terms na dumaan sa buhay ni Robin—mula kay FVR, Erap, GMA, P-Noy—para sa pagkakataong ito, under a new leadership ay tuluyan na muli niyang mapasakamay ang ganap na kalayaan bilang isang mamamayan?

Kung tutuusin nga’y maaaring lapitan o hingan ng tulong ni Robin ang mga nagdaang president most especially Erap na tulad niya’y isang dating action star o kahit si P-Noy whose sister KrisAquino ay naging bahagi rin minsan ng buhay ni Binoe, pero ginawa ba niya?

Now that’s a free man again ay hangad namin ang kasiyahan ni Robin sa bagong kabanatang ito ng kanyang buhay. Isa na naman siyang brand-new dad bukod sa dati nang ama sa mga anak na puro babae!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …