Sunday , November 24 2024

VIP treatment ala-NBP sa BI detention center (Attention: SoJ Vitaliano Aguirre)

Habang ang lahat ay nakatutok sa anomalya ng droga at tarahan diyan sa National Bilibid Prison (NBP), hindi rin daw pahuhuli sa kanilang karaketan ang ilang personalidad sa Bureau of Immigration (BI) Warden’s Facility diyan sa Bicutan!

Kung meron daw Jaybee Sebastian na itinuturing na VIP sa Bilibid, meron din naman daw silang “BRYAN CHUA” na kasalukuyang nag-i-enjoy ng VIP treatment mula sa ilang opisyal ng BI detention center?!

Malaya raw na nakalalabas ng kanyang selda itong si Bryan Chua na napag-alaman natin na isang bigtime Korean contractor.

Involved umano sa Yolanda housing projects sa Tacloban. Nagkataon na ‘fugitive’ pala sa bansang Korea si Bryan Chua na nasakote noon sa NAIA sa kanyang huling biyahe papasok sa Filipinas.

Bukod sa malayang paglalabas-pasok sa kanyang selda, madalas na kahalubilo ng mga nagbabantay doon na BI Civil Security Unit (CSU) personnel.

Kasabay din daw sa kanilang tanghalian at hapunan!

Sonabagan!!!

Wala raw magawa ang mga nakakakitang kapwa dayuhang preso sa tinatamasang pribilehiyo ng isang Bryan Chua riyan.

Hindi raw kasi nila kayang sabayan sa paggastos dahil wala naman daw silang pambili ng mga pagkain galing sa “KFC at Jollibee” na paboritong lantakan nitong si Bryan Chua kasama ang kanyang mga bantay.

Wattafak?!

I’m sure hindi lang lafang o tsibog ang pakinabang diyan. Kundi pitsa, gamit at kung ano-ano pa!

Hindi lang daw sa pagkain nila kasabay ang nasabing pugante. Maging sa panonood ng telebisyon ay kasama rin nila ang kumag.

Punyemas!!!

Aba talagang super ha?! Super VIP treatment nga! Meron din umanong isolated room si Bryan Chua.

Doon siya nagsosolo sa halip na kasama ang ilang detainees!

Ano pa nga ba?! Nag-aalala tuloy ang mga hindi sumasang-ayon sa ginagawa ng mga protektor sa Koreano dahil malaki ang posibilidad na makatakas o patakasin.

SOJ Vitaliano Aguirre, hindi pa po tapos ang problema niyo riyan sa NBP. Baka bigla po kayong magulat, Sir, kung dito sa BI-Warden’s facility naman ang magkaroon ng panibagong eskandalo!

Baka po puwede ninyong paimbestigahan ang mga taong involved sa protection raket na ‘yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *