NILINAW ng Malacañang, wala pang pinal na desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang buksan ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, pinag-aaralan pa ang lahat ng anggulo kung ligtas o hindi ang BNPP.
Ayon kay Abella, bukas si Pangulong Duterte sa pag-aaral sa pagbubukas ng power plant na itinayo noong panahon ni dating Pangulong Marcos.
Ngunit ani Abella, nababahala ang Pangulo sa ulat na nasa fault line ang BNPP.
Una rito, sinabi ng Pangulo, bukas siya sa panukalang gamitin ang BNPP para masolusyonan ang problema sa sektor ng enerhiya sa bansa.