INIIMBESTIGAHAN ng Department of Energy (DoE) ang nangyaring power interruption kamakalawa ng gabi sa malaking bahagi ng Luzon, kasama na ang Metro Manila.
Ayon kay Energy Usec. Wimpy Fuentebella, layunin ng kanilang pagsisiyasat na matukoy ang puno’t dulo ng blackout upang maiwasan ito sa mga susunod na pagkakataon.
Ngunit sa inisyal na impormasyon ng ahensiya, 15 porsiyento ng total power load sa Luzon ang nawala kaya nagkaroon ng interruption.
Nangangamba ang ilang negosyante dahil baka maapektohan ang kanilang mga kalakal kapag nagkaroon pa ng mga ganitong sitwasyon sa pagpasok ng holiday season.