Samantala, lubos ding ipinagpapasalamat ng aktres ang lahat ng sumusuporta sa kaniyang anak o sa kanilang tatlong nasa showbiz dahil ang init ng pagtanggap sa kanilang mag-iina lalo na ang seryeng pinagbibidahan ni Sylvia na The Greatest Love dahil pawang positibo lahat ang naririnig niya na galing sa iba’t ibang tao na nakatutok daw at maski sa ibang bansa ay maraming nagpapadala rin ng pagbati sa kanya.
“Group effort iyon dahil hindi ko naman magagawang mag-isa ‘yun, lahat ng mga anak ko sa ‘The Greatest Love’ ang gagaling, grabe, nandoon na yata lahat ng magagaling na artista, mula kay Dimples, Andi (Eigenmann), Aahron (Villaflor), at si Mat (Evans) na bilib ako sa pagiging bading niya, minsan nga, tinanong ko ng seryoso, ‘Mat, bading ka ba talaga?’ Kasi ibang klase, napaka-natural niya, walang effort.
“At siyempre, ‘yung apo kong si Joshua Garcia, ang galing ng batang ‘yun, may lalim talagang umarte, tahimik lang ‘yun sa set, pero ‘pag umarte na nakita n’yo naman ‘di ba? At siyempre sina Rommel (Padilla) at Noni (Buencamino).”
Hmm, mukhang aabutin ng isang taon ang The Greatest Love dahil mataas ang ratings at maraming commercials.
FACT SHEET – Reggee Bonoan