Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gusto kong iparamdam kay Osang na narito pa rin ako, kahit isipin niyang tinalikuran na siya ng buong mundo — Butch

WITH his indulgence ay tinext namin si Butch Francisco na kung maaari’y kahit sa telepono lang ay mainterbyu namin siya tungkol sa kanyang partisipasyon sa kasal ni Rosanna Roces sa kanyang lesbian partner na si Blessie.

Nakatakda kasing ihatid ni Tito Butch si Osang sa altar sa pakikipag-isandibdib nito kay Blessie sa December 10 na ang seremonya ay idaraos sa isang resort bago mag-Antipolo. In case you don’t know, ang petsang ‘yon ang bisperas ng birthday ni Tito Butch.

“Naku, kung nataon lang na kaarawan ko ‘yon, may reason ako para hindi mag-blow out,” biro niya sa amin over the phone.

Tito Butch had no qualms nang ilambing ‘yon sa kanya ng dating co-Startalk host. ‘Ika nga, paraan daw niya ‘yon para makabayad din sa mga pinaunlakang interview ni Osang in the past, isa na rito ay ‘yung feature interview ng Startalk when it turned 10.

“Kung tutuusin, puwede akong pahindian ni Osang dahil that time, wala na siya sa ‘Startalk’ after ng falling-out nila ni Lolit (Solis), but she agreed. Ni hindi nga tinanong ni Osang kung magkano ang talent fee niya, eh,” sey ni Tito Butch.

Pero ang higit na compelling reason kung bakit pumayag siyang maghatid kay Osang is because, “Let’s face it, anuman ang sabihin ng tao kay Osang, she’s still Rosanna Roces. Para sa akin, it’s such a great privilege na magkaroon ng participation sa wedding niya.”

Pahabol na hirit pa niya, “Gusto kong iparamdam kay Osang na kung ang pakiramdam niya, eh, tinalikuran siya ng buong mundo, narito pa rin ako.”

Kung sabagay, after all, Rosanna Roces is Rosanna Roces pero malayo ang agwat nila ni Ana Dizon, huh!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …