Saturday , November 16 2024
arrest posas

Puganteng Kano tiklo sa Angeles

CAMP OLIVAS, Pampanga – Isang puganteng American national na may patong-patong na kaso ang nasakote nang pinagsanib na puwersa ng Police Station 5, at Fugitive Search Unit-ng Bureau of Immigration (BI) sa ikinasang operasyon sa Angeles City.

Ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Supt. Fe Grenas, tagapagsalita ni Chief Supt. Aaron N. Aquino, Police Regional Office-3 director, hindi nakapalag ang American national na si Wayne Collins y Russel, 63, nang dakpin ng mga operatiba ng Police Station 5, Angeles CPO at Fugitive Search Unit-Bureau of Immigration (BI) sa Azucena St., Timog Park Subd., Brgy. Pampang, Angeles City.

Base sa records ng BI, nahaharap si Collins sa kasong kidnapping, 7 counts assault battery, 6 counts burglary/larcency, homicide, robbery, 3 counts domestic violence at 3 counts obs-tructions/resist.

( LEONY AREVALO )

About Leony Arevalo

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *