Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

LTFRB sanhi ng traffic sa East Ave., QC! (Ano ang ginagawa ni Martin “Chuckbong” Delgra III!?)

LITERALLY and figuratively, ang tanggapan ng Land Transportation and Franchising Regulatory Bureau (LTFRB) na pinamumunuan ngayon ni Chairman Martin “Chuckbong” Delgra III pa pala ang nagiging sanhi ng traffic sa East Avenue sa East Avenue, sa Quezon City.

Una, lahat ng huli ng LTFRB ay nakabalandra o nakaparada sa magkabilaang panig ng East Avenue.

Punong-puno na raw kasi mismo ang compound ng LTFRB sa mga naka-impound na sasakyan, kaya ‘yung iba sa labas na lang pumaparada.

Siyempre ‘yung mga pumaparada sa magkabilaang linya ng LTFRB office, ‘yung mga may pambayad agad para makuha ang mga sasakyan nila.

‘Yung mga hindi agad natutubos, naroon lahat sa LTFRB compound, umaapaw sa dami.

Kaya ang nangyayari, pati ‘yung may transaksiyon sa LTFRB na may dalang sasakyan, hayun sa East Avenue napipilitang pumarada.

110916-ltfrb-traffic

Kumbaga, takaw carnap pa ang sasakyan nila dahil sa kalsada lang nakaparada.

Ultimong mga official vehicles ng LTFRB ay sa East Avenue lang nakaparada.

E ano pala ang nangyari sa ipinagyayabang ni Transportation Secretary Arthur Tugade na impounding area sa Tarlac?!

Ano ang nangyari sa sinabi niyang lahat ng na-impound na sasakyan ay doon na dadalhin sa Tarlac?

Drawing lang ba o yabang lang ang sinabing iyon ni Secretary Tugade?!

E ano ba talaga ang ginagawa ng itinalagang chairman ng LTFRB na si Martin “Chuckbong” Delgra III?!

Kaya ba niyang talaga ang trabaho niya o pakaang-kaang o puro papogi lang siya?!

Paki-explain nga ho!

PATI PAPELES AT DOKUMENTO
SA LTFRB NATA-TRAFFIC DIN!

110916-ltfrb

Hindi lang pala sasakyan ang nabibinbin ngayon sa tanggapan ni LTFRB Chairman Martin “Chucknong” Delgra III.

Maging ang mga dokumento at papeles na dapat niyang pirmahan ay nata-traffic din.

Ayon sa ilang nagrereklamo, ang mga hinihintay nilang dokuemnto ay halos apat na buwan nang nasa tanggapan ni Delgra pero hanggang ngayon ay wala pa rin pirma?!

Kahit nga raw simpleng transaction gaya ng dropping/substitution  ay hindi pa napipirmahan ng bagong chairman ng LTFRB.

Ganyan umano ang nangyayari mula nang maupo siya noong Hulyo 1, 2016.

Kahit aprub na sa Technical Board members at may existing franchise at papalitan lang ‘yung yunit dahil luma na, ang tagal pa bago mapirmahan.

E alam naman nila na ang hanapbuhay ng mga bus, jeepney or bus operators ay sa pamamagitan lang ng pagpapaikot ng pera.

Inuutang lang nila ‘yung mga yunit at ang panghulog ay kinukuha sa araw-araw na paglabas ng kanilang sasakyan.

Mantakin ninyo kung apat na buwang nakatengga ang dropping/substitution ‘e ‘di apat na buwang hilahod ang operators sa paghuhulog ng buwanang bayad sa kinuha nilang sasakyan?

Alam kaya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na ang itinalaga niyang si Delgra ay hindi sumusunod sa sinasabi niyang “competence and integrity” na dapat ipakita ng mga government official?!

Ang sabi ng Pangul0, dapat matagal na ang tatlong araw sa mga transaksiyon.

‘E ba’t itong si Delgra, umaabot pa ng apat na buwan?!

Wattafak!

DOTr Secretary Arthur Tugade, tahasan naming itinatanong, bakit tila pabigat si Delgra sa administrasyon ni Digong!?

LAMAN NG HINUKAY NA POZO
NEGRO SA PASAY CITY HALL
ITINAMBAK SA PRESS OFFICE

110916-pasay-city-hall

Hindi natin alam kung may galit ba ang hepe ng city engineer’s office sa mga katoto natin diyan sa Reporters’ Organization of Pasay City (ROPC).

Aba, mantakin ninyong nang hukayin at linisin ang pozo negro (septic tank), inilagay lang sa mga plastic bag ‘yung human waste (as in ebak) na may halo nang burak at maruming tubig, saka itinambak doon sa tabi mismo ng press office.

Yaaks!!!

Huwag na po natin ilarawan kung gaano kabantot at grabeng nakasusulasok sa sikmura ang amoy niyan, pero palagay natin kahit sino, hindi kayang sikmurain ‘yan.

In short, inireklamo na po ng mga katoto natin sa city hall ang nasabing plastic-plastic na dumi ng tao, pero ang sagot sa kanila, patutuyuin pa raw bago hakutin ng truck.

Sonabagan!!!

Ipinaabot din nila sa Public Information Office (PIO) at ipinaabot sa Engineering. Pero ang sagot ng Engineering gumawa raw sila ng sulat para may katunayan na nagrereklamo sila.

Wattafak!?

Mag-opisina kaya kayo riyan sa press office para malaman ninyo kung gaano kamiserable ‘yang nararanasan ng ROPC.

O hinihintay pa ninyong umabot ang baho niyan sa Mayor’s office!?

Mayor Tony Calixto, Sir, mukhang salto ang mga bata ninyo sa engineering pati ‘yang PIO ninyo!

Sa inyo na po kami makikisuyo para mahakot ‘yang plastic-plastic na human waste galing diyan sa city hall na itinambak sa press office.

Puwede po ba, Mayor Calixto?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *