Monday , December 23 2024

Imee nanguna sa dasal-martsa, vigil para sa libing ni Marcos (Sa paghihintay sa SC decision)

110816-imee-marcos
LUMAHOK si Gov. Imee R. Marcos, panganay na anak ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, sa mga grupong United Team BBM, Kabataang Barangay, Friends of Imelda R. Marcos (FIRM), Tamaraw Riders, Maharlika Group, BBM Youth Movement, Apo Group, Helping Hands Organization, at Marcos loyalists mula sa Cavite, Bulacan, at sa mga lungsod ng Quezon, Maynila, Pasay, at Parañaque. Hinikayat ni Gov. Imee ba huwag tumigil sa pagdarasal ang iba’t ibang grupo hanggang lumabas ang desisyon. Dala nila ang bandila ng Filipinas at mga banner na, “Sa Ngalan ng Pagkakaisa,” “Para sa Pambansang Paghihilom,” “Para sa Kapayapaan, Ilibing Na,” and “Pray for Pro 8.” (BONG SON)

NAGMARTSA ang mga tagasuporta ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos (FEM) kahapon mula Raja Sulayman Park sa Malate, Manila, patungo sa Supreme Court (SC) para sa ‘Illumin8’ prayer march and vigil, habang hinihintay ang positibong desisyon ng korte kaugnay sa paglilibing kay FEM sa Libingan ng Mga Bayani (LNMB).

Lumahok si Gov. Imee R. Marcos, panganay na anak ng dating pangulo, sa pagkilos ng grupo na kinabibilangan ng United Team BBM, Kabataang Barangay, Friends of Imelda R. Marcos (FIRM), Tamaraw Riders, Maharlika Group, BBM Youth Movement, Apo Group, Helping Hands Organization, at Marcos loyalists mula sa Cavite, Bulacan, at mga lungsod ng Quezon, Manila, Pasay, at Parañaque.

“Dasal lang until the decision comes out,” hikayat niya sa mga lumahok sa pagkilos, na umabot sa 700 at sinimulan ang martsa dakong 4:00 pm.

Pinangunahan ni Gov. Marcos ang martsa kasama ng pari at mga tagasuporta mula sa ibang sektor bitbit ang watawat ng Filipinas at banners na nakasaad ang katagang, “Sa Ngalan ng Pagkakaisa,” “Para sa Pambansang Paghihilom,” “Para sa Kapayapaan, Ilibing Na,” at “Pray for Pro 8.”

Hinikayat nila ang mga tao na lumahok, sa pamamagitan ng Facebook page ‘ILibing na,’ na magtirik ng kandila sa harap ng kanilang bahay dakong 8:00 pm “for the enlightenment of our Supreme Court Justices to uphold the law, and grant the rightful burial” ng dating pangulo sa LNMB.

Ang Facebook live viewers ng martsa ay nagpahayag din ng suporta online, kabilang ang mga nagpakilalang Marcos supporters mula sa Japan, Hong Kong, Malaysia, Singapore, New Zealand, United States, Canada, United Arab Emirates, Saudi Arabia, Greece, Switzerland, Germany, at Spain.

“Through this, at least people can know, and the Supreme Court may feel, that there is no more bad feeling in regards to the burial of the former president,” pagbabahagi ni Wilbert Victor Calaycay ng Badoc, Ilocos Norte, idinagdag na, “History can tell that people already realize the true value of what Former President Marcos has given to the Philippines.”

Si Calaycay ay lider at coordinating chairman ng youth sector noong vice presidential campaign para sa anak ng dating pangulo, na si Ferdinand “BongBong” R. Marcos Jr.

Noong Agosto 23, nagpalabas ang SC ng 20-day temporary restraining order (TRO) sa paglilibing kay Marcos. Itinakda ang noong Setyembre 18, ang libing ay iniliban dahil ang TRO ay pinalawig hanggang Oktubre 18.

Nagmartsa ang Marcos supporters mula Ilocos Norte patungo sa SC sa ‘Kailian March’ mula Oktubre 14 hanggang 17, habang hinihintay ang final decision. Gayonman, muling pinalawig ang TRO hanggang Nobyembre 8.

VIGIL PARA SA MARCOS BURIAL

NAGSAGAWA kahapon ng martsa mula sa Plaza Raja Sulayman sa Malate, Maynila patungong Department of Justice (DoJ) ang ilang daang Marcos loyalists sa pangunguna ng panganay na anak ng yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos na si Imee Marcos para mag-vigil bago ilabas ang desisyon sa pagpapalibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Inaabangan ng mga Marcos loyalist kung makukuha ang sapat na boto para mailibing ang binansagang strongman ng Filipinas.

Magbibigay ngayong araw na ito ng kasagutan ang Korte Suprema sa katanungang ito sa pagtugon na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na payagang ilibing si Marcos.

Naglabas ang isang insider na nagsumite si Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa ng kanyang opinyon para paboran ang pitong petisyong humihiling na pigilin ang paglilibing kay Marcos sa LNMB, habang naghain din ng ibang petisyon si Associate Justice Diosdado Peralta para ibasura ang nasabing mga petisyon at payagang ipagpatuloy ang paglibing.

Inaasahang 14 lamang sa 15 SC justices ang lalahok sa deliberasyon makaraang nagpa-inhibit si Associate Justice Bienvenido Reyes dahil na rin sa sinasabing “close ties” niya sa isa sa mga partido.

Sinabi rin ng source na inaasahan ang close voting sa usapin—posibleng isang 7-7 tie o margin lamang ng dalawa o tatlong boto.

Sa ilalim ng altinutunin ng Mataas na Tribuna, magreresulta ang tie sa apirmasyon ng assailed policy of decision at dismissal ng petisyon. Sa ganitong punto, ang 7-7 vote ay mangangahulugan ng ‘go signal’ sa pag-libing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

( TRACY CABRERA )

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *