Monday , December 23 2024

PacMan, Donaire huwaran ng Pinoy – Palasyo

HINIMOK ng Palasyo ang publiko na gayahin ang tapang at determinasyon na ipinamalas ng mga boksingerong Filipino sa Las Vegas para gapiin ang problema sa ilegal na droga, kriminalidad at korupsiyon sa bansa.

Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, nagtatagumpay ang gobyerno sa isinusulong na digmaan sa tatlong pangunahing suliranin ng bansa kaya kailangan tularan ang tibay ng mga boksingerong Filipino upang matamasa ang tagumpay.

“The courage and grit displayed by our Filipino boxers in Las Vegas are the same qualities we must demonstrate as a nation to rid society of drugs, criminality and corruption. Government has been successfully waging a war on these fronts and we as a people – emulating our boxers’ toughness against all odds — must continue the strong gains as we battle towards victory,” ani Andanar sa tagumpay ni Pambansang Kamao Sen. Manny Pacquiao laban kay Jessie Vargas.

Ani Andanar, nagpapasalamat ang Palasyo sa hindi matatawarang suportang ipinagkaloob ng mga Filipino sa oras ng tagumpay at maging sa panahon ng pagkabigo ng ating mga boksingero.

Muling pinagbigkis ng tagumpay ni Pacquaio ang sambayanang Filipino at nagdulot ng ligaya at karangalan para sa bansa.

Ang ipinakitang disiplina, determinasyon at pagsusumikap ng Pambansang Kamao ang nagluklok sa kanya bilang “National Treasure in Global Sports.”

Ang pagkabigo aniya ni Nonito Donaire ay hindi kabawasan sa mga dinala na niyang karangalan sa bansa at nananatili pa rin siyang “The Filipino Flash” sa bilis at lakas ng kanyang mga kamao.

“Nonito Donaire’s quest to be the ‘king in the ring’ unfortunately did not materialize. This, however, would not diminish the honors he bestowed to the people and to the flag. He remains ‘The Filipino Flash’ with his quick hand speed and formidable punching power,” dagdag ni Andanar.

P48-M TICKETS IPINAMIGAY NI MANNY

HUMAKOT ng tagasuporta si eight-division world champion Sen. Manny Pacquiao para sa kanyang comeback fight kontra WBO welterweight champion Jessie Vargas.

Nabatid na aabot sa $1 milyon o nasa mahigit P48 milyon ang halaga ng biniling 2,000 tickets na ipinamigay ni Pacquiao sa kanyang mga kaibigan, kamag-anak at kapwa politiko.

Malaking halaga ito lalo at hindi natitiyak na tatanggap pa rin ang Filipino ring icon ng $20 milyon kagaya nang kanyang kinita sa ikatlong bakbakan kontra Timothy Bradley noong Abril.

Ayon sa ilang sources, tatanggap lamang si Pacquiao ng porsiyento mula sa kinita ng The Legend vs The Champ fight card.

Samantala, si Vargas ay siguradong tatanggap ng $2.8 milyon.

ni Rose Novenario

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *