MAS malakas pa sa kalabaw si Pangulong Rodrigo Duterte at kayang-kayang gampanan ang mga responsibilidad bilang Punong Ehekutibo ng bansa.
Ito ang pahayag kahapon ni Communications Secretary Martin Andanar kaugnay sa mga ulat na may sakit si Pangulong Duterte.
Marami aniyang mga aktibidad ang Pangulo araw-araw at sa iba’t ibang bahagi pa ng bansa kaya hindi dapat pagdudahan ang kanyang kalusugan.
“Mas malakas pa sa kalabaw si Pangulo. Nakita naman natin sa TV kung ano ‘yung mga activities ni Presidente. Maya-maya nandon na sa Samar. Maya-maya nandon sa Pangasinan. Tapos makikita mo ngayon sa Facebook live e nandoon naman sa Davao. So ang taong hindi malusog, imposibleng magawa kung ano ang ginagawa ni Presidente,” aniya.
Sa talumpati ni Pangulong Duterte noong Biyernes sa Integrated Bar of the Philippines Regional Convention sa Manila Hotel, pabiro niyang sinabi na ang tulad niyang 72-anyos ay siguradong may sakit at kung hindi aniya sa tulong ng ‘blue pill’ ay wala nang kakayahan na makipagtalik sa isang babae.
“But if somebody now at this moment in time sa buhay ko, I’m 72 years old. Do not ask me if I am sick. Every 72 years old in this planet is sick. That would be a very silly question. Well you know sometimes you will be…try to [garbled] ‘Sir!’ And oh I would say, I’m fine. Pero deep down alam mo bolador ka. Kung meron ako, meron ka rin. And the greatest, maybe, just maybe, I don’t know. But the greatest sa tingin ko that’s a loss for a man to ask is when you still make it with a lady. That is a very hurting question. Because were it not for the…itong makers ng…company ng blue pill. Kung wala na ‘yan, wala na. Then it’s time to go really,” ayon sa Pangulo.
( ROSE NOVENARIO )