Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mayor Espinosa utas sa selda

PATAY ang kontrobersi-yal na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa na inuugnay sa droga makaraan lumaban sa mga pulis na magsisilbi ng search warrant sa loob ng Baybay City Provincial Jail nitong Sabado ng umaga.

Kasamang napatay sa loob ng kulungan ang drug suspect na si Raul Yap.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Regional Director Elmer Beltejar, isisilbi ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-Region 8), ang search warrant laban sa dalawa nang paputukan nila ang mga awtoridad.

Napilitang gumanti ng putok ang mga awtoridad dahilan nang pagkakapatay sa dalawa.

Ang isisilbing search warrant para kay Espinosa ay may kaugnayan sa mga armas at bala.

Nakakulong ang al-kalde dahil sa kinakaharap na reklamo tungkol sa ilegal na droga at mga armas.

Samantala, tungkol sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang search warrant para kay Yap.

ESPINOSA KILLING IPINABUBUSISI NG PALASYO

IKINALUNGKOT ng Malacañang ang pagkamatay ni Albuera Mayor Rolando Espinosa kahapon ng madaling araw.

Kinompirma ni Albuera chief of police, Chief Insp. Jovie Espinido, nabaril at napatay sa loob ng selda ang nakakulong na alkaldeng sinasabing sangkot sa ilegal na droga.

Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP at lumalabas sa initial reports na napatay ang alkalde habang isinisilbi ang search warrant.

“The death of Albuera Mayor Espinosa is unfortunate. Investigation is now ongoing but initial reports indicate that the former mayor was killed while being served a search warrant,” ani Andanar.

NO WHITEWASH — PNP CHIEF

INIUTOS ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa ang isang impartial independent investigation kaugnay sa pagkamatay ni Albuera Mayor Rolando Espinosa kahapon ng madaling araw.

Inatasan ni Dela Rosa ang Regional Internal Affairs Service ng Police Regional Office 8 (PRO-8) na mag-imbestigas sa insidente.

Tiniyak ng PNP chief, magiging patas ang kanilang imbestigasyon at walang magaganap na ‘whitewash.’

Iimbestigahan ng Region 8 IAS ang CIDG-Northern Leyte team sa pamumuno ni Chief Inspector Leo Laraga.

Kahit nasa Las Vegas ang PNP chief para manood ang laban ni Sen. Manny Pacquiao, agad niyang iniutos ang “impartial and independent” investigations makaraan matanggap ang impormasyon na napatay si Mayor Espinosa ng mga operatiba ng CIDG.

Samantala, kabilang sa iimbestigahan ng PNP ang lumabas na mga ulat na dini-discourage ni Espinosa ang anak na si Kerwin para magtestigo sa ilang mga opisyal ng PNP na tumatanggap ng drug money mula sa kanila.

Maging ang sinasa-bing pagkakasangkot ng ilang opisyal ng CIDG Region 8 sa operasyon ni Kerwin ay kasamang iimbestigahan.

SENATORS NAALARMA

BUNSOD nang pagkakapatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at isa pang drug suspect na si Raul Yap sa sina-sabing shootout sa loob ng Baybay City Provincial Jail sa Leyte kahapon ng umaga, sinabi ni Senador Panfilo Lacson, isusulong niya ang pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa extrajudicial killings (EJK).

“Offhand, I can smell EJK and I base my conclusion on the circumstances that surround the killing,” pahayag ni Lacson.

Ayon kay Lacson, sa pagbabalik ng sesyon ng Senado sa Lunes, imumungkahi niya kay Senador Richard Gordon, chairman ng Senate committee on justice, ang muling pagpapasimula ng imbestigasyon sa EJKs. Habang sinabi ni Gordon, ang pagkakapatay kay Espinosa “was a dagger in the heart of the criminal justice system as it appears that even those who are in the custody of the law are no longer safe.”

Ayon kay Gordon, palaisipan sa kanya ang sinasabing sirkumtansi-yang bumabalot sa pagkamatay ni Espinosa.

“How can we encourage suspects to surrender under the law in this situation? It’s a slap on the face of the rule of law and it signals a more desperate system – a ‘take no prisoners’ approach. This creates an atmosphere of intimidation and fear and puts everybody in danger,” pahayag ni Gordon.

Samantala, ikinalungkot ni Senador Antonio Trillanes IV ang pagkamatay ni Espinosa, “we will never know who his accomplices are, where his supplies are coming from and who his clients are.”

“Regardless of the script the local police would use, at the end of the day, dead men tell no tales,” aniya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …