NAGKASUNDO ang higit 100 kinatawan ng mga pangkat etniko ng bansa sa pagkasa ng kapasiyahan hinggil sa kalikasan at kaligtasan sa nagdaang Pambansang Summit sa Wika ng Kaligtasan at Kalikasan nitong 26-28 Oktubre 2016, sa Philippine High School for the Arts, Bundok Makiling, Los Baños, Laguna.
Batay sa Kapasiyahan Blg. 1-2016, gagamitin ang katutubong karunungan “upang mapangalagaan ang kalikasan, at makaiwas sa mga sakuna at disaster dulot ng kapabayaan at pagmamalabis ng tao o kaya’y bunga ng pagbabagong klima.”
Nagkasundo ang mga delegado mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa na gamitin ang wikang Filipino at mga katutubong wika sa pagsulat at pagpapabatid ng karunungang ito sa madla.
Bunga ang resolusyon ng dalawang araw na serye ng talakayan na sinimulan ng isang Kaamulan ng mga katutubong pinuno na nangyari noong 26 Oktubre. Nilahukan ang nasa-bing pagtitipon ng mga datu, bae, maaram, binukot, guro, at mag-aaral.
Kasama rin sa kapasiya-han ang mungkahi sa Tanggapan ng Pangulo ng Filipinas na patuloy na gamitin ang Filipino at mga katutubong wika sa paniniwalang mas mapada-dali ang paghahatid ng serbis-yo publiko.
Irerekomenda ang kapasiyahang ito sa mga ahensi-yang may kinalaman sa kalikasan at kaligtasan gaya ng DepEd, CHED, DILG, DSWD, NCIP, DENR, DRRMC, at iba pa.
Naging panauhing pandangal si Senador Loren B. Legarda sa summit na pina-ngasiwaan ng KWF at may tangkilik mula sa Philippine High School for the Arts at Lalawigan ng Laguna. Dinaluhan din ito ng iba’t ibang eksperto sa kalikasan at kaligtasan gaya ng DSWD, DENR, at DSWD.
Umaasa ang KWF na makalilikha ang summit na ito ng isang komprehensibong aklat na nagtitipon ng mga ka-tutubong karunungan hinggil sa kalikasan at kaligtasan. Inilunsad sa nasabing summit ang Kapayapaan sa Ilang Wika sa Filipinas, na bunga ng Pambansang Summit sa Kapayapaan na iginayak ng KWF noong 2014 sa Bukidnon.
Kasama rin inilunsad ng Aklat ng Kapayapaan ang Atlas ng mga Wika sa Filipinas, isang mapagtitiwalaang sanggunian hinggil sa 130 katutubong wika sa Filipinas. Kapuwa may suporta mula sa Tanggapan ni Senador Legarda ang pananaliksik at paglilimbag sa dalawang aklat.