Saturday , November 23 2024

Propesor mulang UP Diliman, kauna-unahang nagwagi sa Sali(n) Na! para kay Heneral Luna

110516-almario-alcantara-salin-na
KASAMA ni National Artist at Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) Virgilio S. Almario si Dr. Teresita A. Alcantara, propesor ng Español at Filipino sa UP Diliman, ang kauna-unahang nagwagi sa timpalak sa pagsasalin ng KWF, ang Sali(n) Na! (Kuha ni RAMON ESTABAYA)

Si Dr. Teresita A. Alcantara, propesor ng Español at Filipino sa UP Diliman, ang kauna-unahang nagwagi sa timpalak sa pagsasalin ng KWF, ang Sali(n) Na!

Pinarangalan ang kaniyang Mga Impresiyon, salin ng Impresiones ni Antonio Luna noong 28 Oktubre 2016, sa NISMED Auditorium, UP Diliman, Lungsod Quezon.

Tatanggap si Alcantara ng P50,000.00 at karapatang mai-limbag sa ilalim ng Aklat ng Bayan ng KWF. Sinusundan ng salin ng Impresiones ang Ang Rebolusyong Filipino (La Revolucion Filipina) ni Apolinario Mabini na  isinalin ni Dr. Michael Coroza ng Pamantasang Ateneo.

Laman ng Impresiones ang mapanuri at mapanggagad na táya ni Antonio Luna sa mga kaugalian ng mga Español, na naglathala ng mga sanaysay sa La Solidaridad.

Ayon kay Rogelio Mangahas, isa sa mga hurado, maituturing si Luna na Ama ng Sanaysay at Creative Non-Fiction sa Filipinas dahil sa pambihirang lawas ng kaniyang isinulat.

Binuo ang lupon ng inam-palan nina Rogelio Mangahas, Anna Maria M. Yglopaz, at Salvador Malig.

Layon ng Sali(n) Na! na maisalin ng pinakamahahalagang tekstong pampanitikan, pangkultura, at pangkasaysa-yan ng bansa tungo sa paglikha ng isang imbakan ng mga opis-yal at mapagtitiwalaang salin sa Filipino ng mga nasabing akda.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *