Monday , December 23 2024

800 bahay sa Las Piñas natupok

NAWALAN ng tirahan ang 1,600 pamilya nang tupukin ng apoy ang 800 bahay sa Las Piñas City kahapon ng madaling araw.

Base sa inisyal na ulat ni Las Piñas Fire Department Fire Marshal, Supt. Crispo Diaz, nagsimula ang apoy sa bahay ng isang Eduardo “Eddie” Angeles sa Manggahan Graymarville Compound Association, BF Resort, Talon Dos dahil sa  napabayaang nakasinding kandila o nakatulugang nilulutong ulam dakong 3:00 am.

Agad kumalat ang apoy hanggang madamay ang daan-daang magkakadikit na bahay na pawang gawa sa light materials sa lugar.

Nagresponde ang mga pamatay sunog bandang 3:15 ng madaling araw ngunit naging problema ang napakalayong fire hydrant sa lugar kaya mabilis umakyat sa unang alarma ang sunog makalipas lamang ang limang minuto.

Muling itinaas ang alarma ng sunog sa Task Force Alpha dakong 4:20 am hanggang sa tuluyang maapula dakong 7:32 am.

Iniimbestigahan ng awtoridad kung ano ang sanhi ng sunog at ang kabuuang halaga ng natupok na mga ari-arian.

( JAJA GARCIA )

About Jaja Garcia

Check Also

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *