Sunday , December 22 2024

QCPD nakapagligtas ng mga Pinoy at mga Koreano

KUMUSTA ang Undas ninyo mga kababayan?

Nadalaw ba ninyo ang inyong mga mahal sa buhay sa kamposanto o sementeryo? Naging masaya din ba ang inyong Undas?

Siyempre naman ‘di po ba? Dahil nagkita-kita na naman o kompleto na naman ang pamilya. Hindi lang pamilya ang nakokompleto sa tuwing ginugunita ang Undas kundi nagiging reunion din ito ng magkakamag-anak.

Ang inyong seguridad maging ang inyong iniwang bahay, buo pa ba? Sana hindi ito napasok ng magnanakaw. Sana nga.

Hindi lang sa seguridad sa biyahe ang tinutukoy natin o habang nasa sementeryo kundi pangkalahatan. Maayos ba ang lahat?

Sa nagdaang Undas, kapansin-pansin na nagkalat saan man dako ang alagad ng Philippine National Police (PNP). Hindi lang dobleng pagbabantay o pagbibigay seguridad sa mamamayan kundi masasabing higit pa rito upang matiyak na walang mangyaring anomang kapamahakan lalo maaaring pagsasamantala ng terorista.

Nobyembre 4, 2016 na, maraming salamat at walang masamang balitang nangyari sa Undas. Salamat PNP at higit sa lahat salamat Panginoong Diyos.

Pero kakaiba talaga ang Quezon City Police District (QCPD), bukod kasi sa nakaalerto sila sa pagbibigay seguridad sa mamamayan ng lungsod maging sa mga nagagawi sa Kyusi, aba’y hindi pa rin isinantabi ng mga pulis dito ang operasyon laban sa droga.

Ang sipag naman talaga ng QCPD. Sino na nga ba ang District Director ng most awarded police district sa buong Metro Manila? Ah, si Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar pala. Oo ang masipag at magaling na direktor.

Akalain ninyo sa kabila nang todo-todong pagbibigay-seguridad ng QCPD sa mamamayan ng lungsod sa nagdaang Undas, naisabay pa rin ng pulisya ang  pagbuwag sa isang international drug syndicate na pinatatakbo ng mga dayuhang Koreano.

Nobyembre 1, 2016, dakong 12:04 am, sa bisa ng search warrant, sinalakay ng puwersa ng District Anti-Illegal Drugs – Special Operations Task Group (DAID-SOTG) sa ilalim ni PSupt GodfredoTul-o at District Special Operations Unit (DSOU) na pinamumunuan ni PSupt Rogarth Campo, ang kuta ng sindikato  sa 4116-E One Rockwell East Tower, Brgy. Poblacion, Makati City. Hanep! Bigtime na sindikato nga. Sa Rockwell pa sila nagkukuta.

Hayun, ang operasyon ay nagresulta sa pagkaaresto ng tatlong Koreano na sina Bang Kho Laem alyas Mr. Kuo/Chi Pui Wong; Jintaek Lee, kapwa negosyante at tubong South Korea at tumutuloy sa Unit 4116-E One Rockwell East Tower, Brgy. Poblacion; Isaac Kho alyas Kiderck Kim/Kook Jung Wong na nagpakilalang Intelligence Officer ng National Intelligence Service (NIS) ng South Korea, tubong South Korea, at nakatira sa Room 705 Manansala Tower., Hidalgo St., Brgy Poblacion.

Nadakip din ang mga kasabwat nilang Pinoy na sina Jaypee Soriano ng Quezon City; Arby Diaz alyas “Arbeen Jhielyn Diaz” ng Pandacan, Manila at Kathleen Nonato ng Sitio Mendez, QC.

Nakuha sa mga suspek ang 250 gramo ng shabu na na tinatayang P1.25 million ang street value.

Dalawa pang malaking plastic sachets ng shabu, pitong small plastic sachets ng shabu, at mga drug paraphernalia.

Hindi lang pipitsugin ang nabuwag ng QCPD dahil ang grupo ang responsable sa pag-i-export ng illegal drugs sa South Korea sa pa-mamagitan ng international courier service.

Sa pagpapadala ng shabu, gumagamit ang sindikato ng over-lapping sides na expandable folder.

“We remind everyone who resides here in the  Philippines  that  our  anti-illegal  drugs  campaign applies to all, foreigners are not exempted. QCPD strictly implements this campaign day and night even on holidays. I commend the operatives for this successful operation,” paha-yag ni Eleazar.

Iyan ang QCPD mga suki, walang holiday sa kanila basta’t para sa mamamayan…para sa bayan…

Para sa susunod na henerasyon.

Hayun, sa pagkabuwal ng sindikato, marami na namang kabataan ang nakaligtas sa tiyak na kapamahakan, hindi lamang sa Filipinas kundi maging sa South Korea.

Congratulations QCPD!

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *