Monday , May 12 2025

13th month pay ipinaalala ng DoLE

PINAALALAHANAN ng Department of Labor and Employment (DoLE) kahapon ang mga employer na bayaran ang kanilang mga empleyado ng  13th month pay bago sumapit ang Bisperas ng Pasko, Disyembre 24.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang lahat ng rank-and-file employees ay dapat tumanggap ng 13th month pay, ano man ang uri ng kanilang trabaho, basta’t sila ay nagtrabaho nang isang buwan o mahigit pa sa loob ng isang taon.

“The 13th month pay is a labor standard provision of the law that the DoLE does not compromise as to its payment,” pahayag ni Bello.

Binigyang-diin ni Bello ang magiging benepisyo ng pagkakaloob sa mga empleyado nang nararapat para sa kanila, aniya mapapataas nito ang pagiging produktibo ng mga manggagawa.

“Good labor-management relations, increased workers’ and enterprises’ productivity and competiveness result to workers being paid what is due them,” aniya,

Ang 13th month pay ay katumbas ng one-twelfth ng basic salary ng empleyado sa loob ng calendar year.

About hataw tabloid

Check Also

Nene Aguilar

Suporta sa miting de avance ng tatak Nene Aguilar team, bumuhos

BUMUHOS ang suporta ng libo-libong Las Piñeros sa miting de avance ng Tatak Nene Aguilar …

Abby Binay

Sa Makati Subway Project, pagsasara ng pasilidad sa EMBOs
ABBY BINAY NAHAHARAP SA CRIMINAL, CIVIL CASES

NAHAHARAP si Mayor Abby Binay sa dalawang magkahiwalay na kasong kriminal at sibil dahil sa …

Bagong Henerasyon Partylist

Bagong Henerasyon (BH) pasok sa winning cricle ng SWS survey

HALOS nakatitiyak na ang Bagong Henerasyon (BH) Partylist ng isang puwesto sa Kongreso base sa …

051025 Hataw Frontpage

Tarpaulin sa highways ipinababaklas
KAMPANYA LAST DAY NGAYON — COMELEC
Alak, sabong bawal din

HATAW News Team NAGPAALALA kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato sa May …

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

UMAPELA ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, sa mga mambabatas na magsulong rin ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *