APAT domestic flights ang kinansela dahil sa masamang lagay ng panahon.
Ayon sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kabilang sa mga apektado ng kanselasyon ay biyaheng Catarman, Northern Samar, Basco, Batanes at return flights ng mga ito sa Metro Manila.
Una nang nag-abiso ang Pagasa nang pagbuhos ng ulan sa Visayas at Mindanao dahil sa isang low pressure area (LPA), habang amihan ang nakaaapekto sa Northern Luzon.
Payo ng MIAA, agad makipag-ugnayan ang mga apektadong pasahero sa mga kompanya ng eroplano upang maisaayos ang pag-rebook ng flights o refund ng kanilang binayarang pamasahe.