Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Editoryal: Si Satanas ang nakausap ni Digong

KAMAKAILAN, sinabi ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa harap ng mga mamamahayag na nakausap niya ang Diyos.

Habang natutulog at humihilik ang kanyang mga kasama, may narinig daw siyang isang boses at sinabing kung hindi siya titigil sa kanyang kamumura pababagsakin ng Diyos ang kanyang sinasakyang eroplano.

Kaya matapos ang panaginip na iyon, ipinangako ni Duterte sa Diyos na hindi na siya magmumura kailan man. Sinabi ni Duterte na ang pangakong yon ay magiging pangako na rin niya sa sambayanang Filipino.

Pero nakapagdududa kung ang Diyos nga ba talaga ang nakausap ni Duterte sa kanyang panaginip. Bakit hindi sinabi ng Diyos kay Duterte na hindi niya gusto ang nagaganap na patayan sa Filipinas dahil ito ay labag sa kanyang kautusan.

Hindi kaya si Satanas ang nakausap ni Duterte?

Dahil kung Diyos nga ang nakausap ni Duterte, tiyak na sasabihin sa kanya na sibakin na niya sa puwesto sina Labor Sec. Silvestre Bello III at Transportation  Sec. Arthur Tugade na parehong pahirap sa mga manggagawa, motorista at pasahero.

At sinabi rin dapat ng Diyos kay Duterte na iwasan na niya ang mga komunista tulad ni Jose Maria Sison dahil hindi sila naniniwala sa Diyos.

O, baka naman may nakalimutang ikuwento si Duterte sa kanyang panaginip?

Hindi kaya may sinabi sa kanya si Satanas at nagwika… “Bwahaha, Digong, anak, halika sa aking kaharian at maligo tayo sa dagat-dagatang apoy!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …