Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Karylle, tanggap sino man ang makatuluyan ng inang si Zsa Zsa

NO doubt, tanggap ni Karylle na may sarili ring pangangailangan sa buhay ang kanyang inang si Zsa Zsa Padilla, most especially nang yumao ang partner nitong si Dolphy many years ago.

Hindi sa pagkamatay ni Tito Dolphy nagtapos ang pag-ikot ng mundo ng binansagang Divine Diva. In no time at all ay muling tumibok ang kanyang puso, thanks to Architect Conrad Onglao.

It wasn’t as if namayapa ngayon si Tito Dolphy, kinabukasan ay nakahanap na ng kapalit si Zsa Zsa. It was a long process kung paanong dumaan din sina Conrad at Zsa Zsa sa mga pangyayaring sumubok sa katatagan ng kanilang relasyon.

Hindi pala totoong kahit kapwa na sila may edad ay mas madaling i-handle ang kanilang ugnayan. Five months ago, just when everything had been set para sa kanilang pag-iisandibdib ay at saka naman sila naghiwalay.

Five months later, however, eto’t nagkabalikan sila. Isang pagpapatunay lang ‘yon na dumanas lang sina Conrad at Zsa Zsa ng isang episode sa kanilang buhay-pag-ibig wherein may rough sailing ahead.

Ngayong balik na sila sa isa’t isa, tanungin n’yo si Karylle pero wala siyang maapuhap na petsa kung matutuloy pa ba ang altar date ng kanyang ina sa arkitekto who’s bound to be her stepdad.

Marahil, para kay Karylle ay hayaan na lang mangyari kung ano ang itakda ng panahon. After all, minsan na ring nagmahal nang sobra si Karylle sa isang aktor who she thought she’d end up with, pero napunta ‘yon sa ibang kanlungan.

Now happily married, Karylle only has the best wishes para sa kanyang ina ke si Conrad man o hindi ang makakatuluyan nito.

HOT,  AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …