Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Digong sa US: Nerbiyoso kasi guilty

KINABOG si Uncle Sam sa mga banat ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya natarantang isinugo si US Assistant Secretary of State for East Asian and Pacific Affairs Daniel Russel sa bansa para awatin sana ang Punong Ehekutibo.

Sinabi ng Pangulo kahapon sa NAIA Terminal 2 bago siya nagpunta sa official visit sa Japan, ninerbisyos ang Amerika sa mga sinabi niya habang nasa China, na nakikipaghiwalay na siya sa US, kaya pinapunta si Russel sa Filipinas.

Ngunit imbes kumalma ay lalo pang nagalit ang Pangulo sa naging pahayag ni Russel na mag-ingat siya sa mga pagbanat sa Amerika dahil magdudulot ito nang pagkabahala sa buong mundo at maaari siyang makulong bunsod ng extrajudicial killings dulot ng drug war ng kanyang administrasyon.

“E kahapon tumawag si Secretary Yasay, nandito raw siya, ang sabi ni… nag-usap daw sila, sabi niya ‘if you can just tone down our rhetoric against America.’ Sabi ko ‘wag ninyo akong ganunin, every time sabihin they threaten us, pati itong EU. Akala mo mas bright kayo sa atin. Tapos sabihin, be careful, we will put you in prison. P****ina subukan mo,” ayon sa  Pangulo hinggil kay Russel.

Binatikos din ng Pangulo ang babala ni Russel na nagdudulot ng pangamba sa mga negosyante ang mga pagbira niya sa Amerika.

“Russel says Duterte comments causing worries in business communities, ‘di magsilayas kayo, magtiis kami, we will recover I assure you. We will live and survive. We have gone to the worst of times in this planet,” giit niya.

Ninerbiyos at malisyoso aniya ang Amerika sa pakikipag-usap niya kay Chinese President Xi Jinping gayong ang tinalakay lang nila ay paano magluto ng siopao na maganda at chop-suey.

“Now, what did I do to China? I went there just being, oh tingnan mo ang lumabas – Duterte sparks international threat. Tang-ina kaliit-liit kong tao, bakit ba kayo mag-stress, nerbiyoso kayo. Kasi guilty. Wala naman ako ginawa sa China, nag-usap kami. And so there’s a lot of speculation. Sabi ko look at Section 7 Article, it states there very clearly. I urge every one of you – that the Philippines shall follow an independent foreign policy and putting at most of the time the best interest of the nation. Sinunod ko lang iyon, pero ang bunganga nerbyoso – “Duterte sparking internationals distress.”  Pakialam ko sa Africa. Di ba International,” aniya. “Tapos isang comment niya RP-China re-approachment should not come at the expense of the US. Napakabilis ng malisya ng mga gago, wala kaming pinag-usapan ng China kung hindi paano magluto ng siopao na maganda pati chopsuey. E kung may ibigay ang China, di pasalamat, e di wala ‘di wag,” dagdag niya.

Paliwanag niya napakalalim ng sugat na iniwan ng US sa Filipinas na hindi maghihilom kaya hindi kailanman siya magiging tuta ng Amerika.

“You know, before we can move forward Mr. America there are things, so many things. The massacre of the Filipino people before, these are historical hurts that would never go away, depende na lang kung maka-presidente ang Filipinas ng tuta ninyo. You count me out. I’m not one of them. I am not also a tuta of any country. Mind you, only ang puwede lang mag-tuta sa akin ang Filipino, period. Walang iba,” dagdag ng Pangulo.

( ROSE NOVENARIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …