Saturday , November 16 2024

30 celebrities nasa drug watchlist (12 gov’t officials sa drug trade ikakanta ni Kerwin)

102616_front

KINOMPIRMA ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa, ibinigay na niya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pangalan ng celebrities na nasa drug watchlists.

Sa ngayon, hawak na ng pangulo ang listahan ng mga celebrity na sangkot sa ilegal na droga.

Ayon kay Dela Rosa, bukod sa 30 pangalan ng mga celebrity na nasa listahan na kanyang isinumite sa Malacañang, may sarili rin listahan ng mga celebrity ang pangulo na maaaring sabihin o hindi ng chief executive.

Sinabi ng PNP chief, ang mga pangalan ng celebrities ay mula sa ikinantang mga artista na nagbebenta ng ilegal na droga.

Dagdag ni Dela Rosa, may ibinulgar din ang mga celebrity na una nang naaresto ng PNP, kung sino ang supplier ng ilegal na droga ng ilang mga artista na lulong sa droga.

12 GOV’T OFFICIALS SA DRUG
TRADE IKAKANTA NI KERWIN

IKAKANTA ng hinihinalang drug lord na si Kerwin Espinosa, naaresto nitong nakaraang linggo sa Abu Dhabi, ang 12 big shot officials na sangkot sa drug trade sa bansa, pahayag ng whistleblower na si Sandra Cam kahapon.

Sinabi ni Cam, sinasabing siya ang nag-tip sa mga awtoridad kaugnay sa kinaroroonan ni Espinosa, nasa listahan ng nabanggit na drug lord ang 12 opisyal, kabilang ang mga governor,  kongresista  at  ilang heneral.

“Malalaking tao ang involved dito,” pahayag niya sa mga reporter sa forum in Quezon City. “Malalaki ang masasagasaan ni Kerwin Espinosa.”

Ayon sa whistleblower, tumakbong senador at sumuporta kay noo’y Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa May presidential polls, ang mga opisyal ay maaaring nakaupo sa puwesto noong nakaraang administrasyon.

“Definitely,” aniya. “Because this administration is only here for 114 days. So imposible na ‘yung mga bagong nakaupo ngayon.”

Dagdag niya: “But there are those politicians who are sitting governors, congressmen, mayors na masasagasaan dito.”

Gayonman, tumanggi si Cam na tukuyin ang pagkakilanlan ng nasabing mga opisyal, iginiit na ayaw niyang unahan ang anunsiyo ng Philippine National Police pagdating sa bansa ni Espinosa.

NARCO-CELEBRITIES LIST
‘DI PA HANDA SA PUBLIKO

INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte, wala pa siyang planong ianunsiyo sa publiko ang listahan niya ng mga artistang sangkot sa ilegal na droga.

Sinabi ni Pangulong Duterte, may dalawa hanggang tatlong pulgadang kapal na ang hawak niyang listahan ng mga personalidad, indibidwal, celebrities at mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Ayon sa Pangulong Duterte, hindi niya alam kung ano ang gagawin sa mga taong sangkot sa drug trade dahil imposible aniyang kasuhan bawat  isa dahil tiyak aabutin ito ng siyam-siyam sa korte.

Kaugnay nito, sinabi ng Pangulo, gusto muna niyang konsultahin ang Senado at Kongreso para makahingi siya ng suhestiyon kung ano ang pinakamabisang gawin upang malutas ang matinding problema ng bansa sa ilegal na droga.

Mahirap naman aniyang patayin lahat ang mga nasa narco-list.

Kasabay nito, inamin ng Pangulo, hindi niya kayang mag-isa ang pagresolba sa problema sa ilegal na droga.

Sadyang mahirap aniya at hindi niya inakala ang laki at lawak nang tinamaan ng droga kaya hindi niya alam ang gagawin.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *