Friday , November 15 2024
cemetery

Editoryal: Maling gawi sa Undas

SA mga susunod na araw, sa Nobyembre 1, muling gugunitain ng mamamayan ang Undas o araw ng mga santo at kaluluwa.  Sa bawat sementeryo, libo-libong mga Katoliko ang magtutungo para magbigay-pugay o galang sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Ang bawat isa ay mag-aalay ng mga bulaklak, magtitirik ng kandila at mananalangin sa harap ng puntod ng kanilang namayapang mahal sa buhay.  Parang isang piging ang pagkikita ng mga magkakamag-anak sa kabila ng kanilang mga kalungkutan.

Sa paggunita ng Undas, may salo-salong nagaganap kasabay ng mga kuwentohan, mga ala-alang kanilang ginugunita noong nabubuhay pa ang kanilang mga mahal sa buhay.

Ang ganitong tradisyon o kaugalian ay magandang panatilihin, lamang kung minsan may nakalilimutan ang mga taong nagpupunta sa kani-kanilang puntod para gunitain ang Undas.

Nakalulungkot, dahil marami pa rin sa ating mga kababayan, sa kabila ng paggunita ng Undas, sa harap mismo ng puntod, ay nagsusugal, nag-iinom ng alak at kung minsan ay meron pang nagkakantahan sa karaoke.

At bukod sa mga ‘paring’ pakalat-kalat sa sementeryo para bayarang magdasal, ang mga basura sa Araw ng mga Patay ay nagkalat din.

Papel, plastic, styrofoam, lata, bote at iba pang basura ang makikita sa mga sementeryo. Mga kalat na iniwan, ng mga taong ginunita, ang alaalang naiwan ng mga nakahimlay na mahal sa buhay.

Wastong huwag kalimutan ang naiwang alaala ng mga yumao. Pero mali na iwanan ang mga basura sa puntod ng mga inaalala nating nakahimlay.

Taon-taon, ganito ang nagaganap sa mga sementeryo sa Araw ng mga Patay. May pag-asa pa kayang mabago ang maling nakagisnan ng karamihan?

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *