Monday , December 23 2024

Ex-DSWD Sec Dinky Soliman sisingilin (Sabit sa multi-bilyong Yolanda fund scam)

102516_front

MAY tsansa na mapabilang sa “brigada” ni pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City si dating Social Welfare Secretary Dinky Soliman kapag napatunayang sabit siya sa pagkawala ng bilyon-bilyong pisong pondong pang-ayuda ng administrasyong Aquino sa 200,000 biktima ng supertyphoon Yolanda.

Sa ginanap na press briefing kahapon sa Palasyo, isiniwalat ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo, hiniling niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na paiimbestigahan ang natuklasang iregularidad ng nakaraang administrasyon sa pagbibigay ng emergency shelter assistance (ESA) sa mga biktima ni Yolanda.

Aniya, sa isinumite niyang ulat kay Pangulong Duterte, nakasaad na may 200,000 biktima ng Yolanda ang hindi pinagkalooban ng ESA sanhi nang kawalan ng relocation site o dahil hindi sila kapanalig ng ilang lokal na opisyal.

“Ang main problem natin with Yolanda is while we have provided more than one million emergency shelter assistance to the victims, there are around 200,000 claimants who expressed the complaint that they were victims of Yolanda in Region 8 and Region 6 but they were not given the assistance needed,” aniya.

Nagkaroon aniya nang pagtatasa ang DSWD sa mga ginawa ng administrasyong Aquino makaraan ang Yolanda lalo na sa Western at Eastern Visayas makaraang makatanggap sila ng reklamo mula sa mga magbubukid at mangingisda na tatlong taon mula nang manalasa ang supertyphoon ay hindi sila nakatanggap ng ESA.

“There were people who were victims of Yolanda but who were not part of the political groupings of particular local government officials so they were excluded. We have that a lot,” ayon sa Kalihim.

Wika ni Taguiwalo, nais ni Pangulong Duterte na mabilis na maihatid sa mga biktima ang karapat-dapat na tulong at hindi kailangang maghintay nang tatlong taon upang maipagkaloob ito sa kanila.

Tiniyak ni Taguiwalo, wala nang masisira o mae-expire na relief goods at nabubulok sa kanilang mga bodega bagkus ay ihahatid agad ang tulong sa mga biktima ng bagyo.

“In safeguarding our relief goods, we also have policies in place. We have to monitor closely the expiration dates of our goods,” dagdag ni Taguiwalo.

Si Soliman ang DSWD secretary sa loob ng anim-taong administrasyong Aquino.

Isasapubliko ni Taguiwalo ang ulat ng DSWD sa Yolanda aid bago ang ikatlong taon anibersaryo nito sa Nobyembre 8.

ni ROSE NOVENARIO

FOREIGN AID DAPAT WALANG
KONDISYON — TAGUIWALO

WALANG tatatanggihang tulong ang administrasyong Duterte mula sa ibang bansa para sa mga biktima ng kalamidad ngunit kailangang walang kondisyon na kaakibat.

Ito ang nilinaw ni Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo kahapon kaugnay sa naging viral sa social media na komento niya na hindi nanghihingi ng foreign aid ang Filipinas para mga naging pinsala ng mga bagyong Karen at Lawin dahil nakitang may sapat na pondo ang gobyerno para saklolohan ang mga taong apektado.

“Pasensiya na kung ang dating ng komento na iyon ay kaya na natin ito, hindi na natin kailangan ang foreign aid. Ang paglilinaw ho na ginagawa ko ngayon ay nakayanan natin, nitong nakaraan ‘no bago dumating at pagdating ng Karen at ng Lawin ang pagtulong, ang maagap na pagtulong sa ating mamamayan,” aniya.

Patuloy aniya ang ginagawang assessment ng pamahalaan para mabatid ang lawak ng pinsala at magkano ang kailangang pondo para tustusan ito.

“So ang tingin ko magkakaroon kami ng assessment bilang National Disaster Risk and  Reduction Management Council  at talagang magkaisa, gaano ba kalawak ang damage. Anong kailangang pinansiya para dito. Alamin din sino ang mga nag-offer ng tulong. At sa tingin ko handa tayong tanggapin ang tulong na ito batay sa ating pangangailanganan at batay sa walang kondisyon. Ibig sabihin, bukal na loob na tulong ng mga mamayan, ng mga organisasyon ng mga pamahalaan sa ibang bansa para tulungan tayong bumangon.,” paliwanag niya.

Nagpapasalamat aniya ang pamahalaan sa mga kaibigan, mga individual, organisasyon at ibang bayan na nagpa-abot na handa silang tumulong.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *