Monday , December 23 2024

US may pakana ng terorismo sa PH — Digong

KINOMPIRMA ni Pangulong Rodrigo Duterte na matagal nang may kamay ang Amerika sa paghahasik ng terorismo sa Filipinas, partikular sa Mindanao, na lalong nagpaningas ng galit niya kay Uncle Sam.

Sa press conference kamakalawa ng gabi sa Davao City Airport, tahasang tinukoy ng Pangulo na limang taon na naglabas-masok sa Davao City ang Amerikanong si Michael Terrence Meiring, isang Central Intelligence Agency (CIA) agent, ngunit ang prente’y isa siyang treasure hunter.

Habang nakatira aniya si Mering sa siyudad noong 2002 ay aksidenteng sumabog ang ginagawa niyang bomba sa kuwarto sa Evergreen Hotel at naputulan ng mga paa.

Habang nasa pagamutan ay itinakas si Mering ng mga Amerikanong nagpakilalang mga ahente ng Federal Bureau of Investigation (FBI) at isang Filipino colonel.

Batay sa ulat, pumayag ang may-ari ng pagamutan na ibigay si Meiring sa FBI agents makaraan pangakuan ang kanyang anak na nurse na mabigyan ng US work visa.

Namatay si Meiring sa US sa edad na 76 noong 2012 at hindi inimpormahan ng Amerika ang lokal na hukuman sa Davao City na naglabas ng warrant of arrest laban sa kanya sa kasong illegal possession of explosives at reckless imprudence resulting in damage to property.

“It has not really appeased me at all. Binastos tayo ng Amerika. Mering was carrying out explosives in and out of Davao City for several years. He was hosted sa Evergreen Hotel, hindi siya pumayag pumasok na tagalinis and for five years, he was in and out of Davao City. One day, there was an explosion. It burned the hotel, not nearly but sunog. And he was brought to the hospital, he lost both of his legs but unfortunately, the following morning, early on, may nag-landing dito sa airport na ‘to, a citation of the US Embassy at bumaba isang pulis na g*** na taga-Filipinas, Colonel I forgot the name. And some Americans who [ponders?] their badges as, FBI daw sila, got Mering out of the hotel, brought him out, kasi sabi nila dalhin nila sa Makati Medical Center for better medical treatment facilities, whatever. But what they really did was to fly out Mering, Michael to Singapore and shimmied him to the United States,” kuwento ng Pangulo.

Dagdag niya, nanatiling misteryo hanggang ngayon ang mala-Batman and Robin na pagpuga ni Mering.

Ayon sa Pangulo, makaraan ang limang araw mula nang itakas si Mering ay dumayo pa mismo si noo’y US Ambassador to the Philipines Francis Ricciardone Jr., sa Davao City, kinausap siya at nangakong paiimbestigahan ang insidente at bibigyan siya ng kopya ng resulta ngunit hindi tinupad.

“To this day, parang Batman and Robin mystery ‘yan. No explanation, for a week after or four or five days, Ricciardone, the Ambassador at that time of the United States, nakipag-usap sa akin early morning with his aide only and Mr. Bong Go, apat kaming nag-usap and they promised to conduct a full scale investigation and committed to me that they will serve me a copy. Sa awa ng Diyos, hanggang ngayon, wala  pa akong natanggap maski note man lang sana,” ayon sa Pangulo.

Makalipas aniya ang 14 taon at habang nangangampanya siya bilang PDP-Laban presidential bet ay isang ahente ng CIA ang nakipag-usap sa kanya para arborin ang kaso ni Mering.

“One night, during the campaign, at least may card ako sa kanya, I think Bong Go has the card. May binigay siya na card sabi niya, he was from the CIA. And sabi ko, ‘may I help you?’ and we talked about the Mering case and said that he would see me maybe the day after. And he did. We met almost four o’clock in the morning, I was very tired from a campaign sortie from that night at ang sinabi lang niya, and these were his exact words, “Mayor, pwede ba nating kalimutan na lang ‘to? Can we let this pass, this thing pass?” Sabi ko, forget it. Sabi ko, wala man rin akong magawa, I’ve been waiting for that report but until now, I haven’t so I really did not know what was the mystery about sa—,” aniya.

Tahasan aniyang nilabag ng US ang soberanya ng Filipinas ngunit hindi man lang humingi ng paumanhin ngunit kapag sa Amerika ginawa ito’y dinidigma ang bansang lumapastangan sa kanila.

Gusto na sanang kalimutan ng Pangulo ang Mering case ngunit ngayong Pangulo na siya’y pinakikialaman ng US ang isinusulong niyang drug war at nagkukubli sa pagpapanggap na nagpapahalaga sa karapatang pantao.

“Ngayon, itong Amerika, if they violate their sovereignty, they will raise hell. They will go to war. Kung tayo ginagawa  nila sa atin, there wasn’t even an apology for anything. Kinalimutan ko ‘yun. Ngayon, dumating itong naging Presidente na ako,” aniya.

“Kaya ako galit kay Mering because binastos  nila ako. Noong tinanong ninyo ako kinaumagahan—you were the one who asked the question, isa ka pa—sabi niya, si Mering nawala. So I called Laza, who is now the mayor of Hagonoy, Colonel Laza, pumunta. He was the chief of police at that time. Sabi niya, mayor hindi ko alam. So I called General Lapeña who was the RD here. Sabi ko, Sid, anong nangyari? Sabi niya, mayor hindi ko talaga alam.So, [unclear] Is that respect? Mutual respect and papahigain mo muna ako, uminit na ang— uminom muna akong tubig. Ikaw kasi, ikaw marunong ka talaga magpainit e. Hindi na ko makatulog ngayon gabi,” giit ng Pangulo.

Matagal nang naniniwala ang mga militanteng grupo na ang US ang nasa likod ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) pakikipagsabawatan ng mga tuta nila sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang lumikha ng kaguluhan sa bansa para bigyan katuwiran ang paglobo ng tropang Amerikano sa Filipinas, lalo sa Mindanao.

Digong kay Trump
TERORISMO INIMPORTA NG AMERIKA

INIMPORTA ng Amerika ang terorismo sa kanilang bansa kaya dapat aminin ito sa sarili ni Republican presidential bet Donald Trump, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ng Pangulo sa press conference sa Davao City  Airport kamakalawa ng gabi, bagama’t wasto ang pagkabahala ni Trump sa terorismo sa Amerika ngunit kailangan suriin ang isyu nang malaliman upang mabatid ng presidential bet na ang US ang nagbigay ng dahilan para umusbong ito.

“Valid issues, actually. Valid issues. Trump is airing something which is should also be a concern. One is terrorism. Everybody should be worried about terrorism. And of course, in this modern world, multi cultural countries. There should be some, some semblance of, you know, acceptance and maybe, especially in the matter of religion, tolerance. Those are vogue words but they have deeper meanings if you go into—Tolerance. Tolerate your religion and respect it in [inaudible]. Terrorism is there and ah, frankly speaking, I’d like to be honest with you. Americans somehow, not all, somehow provided the reasons for the  terrorist, terrorism there right now,” ayon sa Pangulo.

Hindi aniya kailangan maging terorista ang isang tao para mapukaw ang kamalayan hanggang maging radikal ang pananaw sa mga nakikitang pambobomba ng US sa mga pinakialamang bansa, lalo sa Gitnang Silangan, na ikinamatay ng libo-libong inosenteng sibilyan.

Kahit hindi aniya personal na masaksihan ng mga may lahing Arabo na nakabase sa Amerika, ang mga madudugong operasyon ng Amerika sa kanilang mga bansa ay naghambalang ang mga kalunos-lunos na larawan at video sa social media.

Sa mga retrato pa lang ayon sa Pangulo, hindi na kailangan sumalisi pang pumasok sa Amerika ang mga terorista dahil US na mismo ang lumikha ng terorismo na kinatatakutan ng kanilang bansa.

“Well, you need not be a terrorist. There has to be an explanation. For an Arab of Syrian descent, of Iraqi, or Iranian to be there, migrated to the United States and was even born there and yet somehow gets into a radical thing, maybe not even the history of the Persian Empire and all of this things,” sabi ng Pangulo.

“What they see are the bombings and the killings of sort. And if I were, it’s not being done on the Filipino, I would really, and even you. If you are from the outside and you see Americans being treated that way, villages bombed, killing soldiers and even hospitals and just say, oh, it was the wrong target. You, by those pictures alone, you need not physically import, bring him inside United States. With those images on TV and on the Facebook, you have created so much terrorism in your time. That is what I can say honestly, my observation about America. You have imported terrorism to your land,” dagdag ng Pangulo.

Bago matapos ang taon ay inaasahang bibisita si Pangulong Duterte sa Russia.

Sa kanyang talumpati sa Beijing, China kamakailan, binigyang diin niya ang pagkalas sa Amerika at pagkiling ng kanyang independent foreign policy sa China at Russia.

( ROSE NOVENARIO )

RELASYON SA US ‘DI PUPUTULIN — DUTERTE

DAVAO CITY – Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi “separation of relation/ties” ang kanyang naging deklarasyon sa state visit sa China laban sa Amerika kundi “separation of foreign policy” lamang.

Ito ang sagot ng Pangulo nang tanungin kung tatapusin na ng Filipinas ang relasyon sa Estados Unidos makaraan ang kanyang deklarasyon na nagdulot ng kalituhan.

Ayon kay Pangulong Duterte, ayaw niyang maapektohan ang diplomatic ties ng US at ng bansa lalo na’t maraming Filipino na nasa Amerika gayondin may mga Amerikano sa Filipinas.

Aniya, dahil sa kanyang desisyon, nagpakita ng suporta ang bansang Russia at sinabing isang magandang “human gesture” ang ginawa ni Duterte.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *