THE rebel soldier! Isang natatanging pagganap sa episode ng MMK (Maalaala Mo Kaya) sa Sabado (Oktubre 22) ang ipamamalas ni Zaijian Jaranilla bilang si Joseph.
Makakasama niya sa istorya ng pamilya niyang nabilang sa mga NPA o rebeldeng sina Marco Masa as Young Joseph, Joem Bascon as Johnny, John Manalo as Young Johnny, Antoinette Taus as Aida, Daria Ramirez as Lola Buena, Levi Ignacio as Lolo Pascual, Hyubs Azarcon as NPA 1, Kris Martinez as NPA 2, Roy Requejo as NPA 3, at Tart Carlos as Female NPA.
Napilitang sumapi sa New People’s Army noong Dekada Sitenta ang ama ni Johnny (Joem). Doon ito bumuo ng pamilya. At kinalakhan nina Johnny ang walang kasiguruhang buhay ng pamilyang walang normal at lubos na pag-iingat ang kailangan sa bawat hakbang.
Ang siniguro lang ni Johnny ay ipangaral sa mga anak ang kabuluhan ng kanilang ipinaglalaban na maiwaksi at mapangalagaan ang isa’t isa sa mapang-abusong puwersa.
Kung paanong nabago ang lahat sa kanilang buhay nang tinalikuran na ito ni Johnny ang ibabahagi ng MMK sa direksiyon ni Garry Fernando.
Paanong nanahan ang kapayapaan sa buhay ng mag-anak. At ano na ang naging bahagi ng pagpasok ni Joseph sa military. At kung paanong sa sarili nilang mga paraan ay pinagbuklod ang dalawa!
HARDTALK – Pilar Mateo